Chapter 7

525 12 29
                                    

First day ng klase late ako. Ano ba namang bago ro'n? I hadn't been an early bird ever since.

"Late ka na naman. Pota ka," gigil na sabi sa akin ni Nica nang makita namin siya ni Ara sa gate ng OLFU.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo sa gymnasium mo na lang kami hintayin. I knew we would be late," sagot ko matapos makipag-beso sa kaniya.

He rolled his eyes at me and looked at Ara. "Hi, bebe girl." Lumapit siya rito at umangkla sa braso ni Ara.

"I wouldn't be late if it weren't because of Vien," sumbong ni Ara kay Nica tapos ngumuso pa siya.

"Nag-start na ba 'yong orientation?" tanong ko kay Nica habang naglalakad kami papuntang gymnasium.

"Hindi pa," sagot niya habang nananalamin. He did a duck face before he returned to Ara her compact mirror.

Some of the students we we're bumping into were greeting me and congratulating me because my recent cover went viral on Facebook again.

"Gaga ka! Walang kalimutan ah?" Hinila pa ni Nica 'yong buhok ko.

"Isang hila mo pa sa buhok ko. Kakalimutan ko na talagang kaibigan kita," malditang sagot ko sa kaniya at inayos ang buhok ko.

Pagpasok namin sa gymnasium, umupo na kami sa pangalawang row. Kaya naman pala kami hinintay ni Nica sa gate, puro may katabing lalaki sina Lindsey at Saddie.

"Bago 'yan ah?" I whispered at Lindsey and eyed the guy beside her.

"Well, I know how to have fun." She winked at me.

"Anong have fun, have fun?! Kapag nag-inom naman tayo nagda-drunk call ka sa ex mo habang umiiyak. 'Wag kami, dzai," singit ni Nica bago maupo sa tabi ni Ara.

"Don't even start with me, Nicanor," Lindsey scoffed.

"Ang bastos ng bunganga bakla ah?" Maarteng inayos ni Nica 'yong hair clip niyang pink. "'Yan ba epekto nang nasosobrahan sa swallow?"

Nagtawanan kami sa sinabi niya. Sa sobrang lakas nang pagkakasabi niya, pati 'yong mga estudyante sa first row napatingin sa amin.

Kinalabit ako ni Ara at bumulong, "what does he mean? Hindi ako maka-relate."

I bit my lower lip to stop myself from laughing, Nica did the same and focused himself talking to Saddie. Inayos ko ang bangs ni Ara.

"'Wag mo nang isipin 'yon, okay?" sabi ko na lang sa kaniya.

"P'wede ba 'yon? E naiisip ko nga," she mumbled while pouting.

Kinurot ko lang ang pisngi niya at iniba ang usapan. "Bakla, ano meron bakit may drums sa stage? Akala ko may ia-announce lang sila?"

"Boba ka. Hindi mo ba nabasa post nila sa page kagabi?" malditang sagot ni Nica.

Inabot ko talaga siya para makurot sa tagiliran. "I wouldn't have asked you kung alam ko. Gagang 'to." Inirapan ko siya.

Bago pa siya makasagot, pumunta na si Ma'am Aguilar sa harapan para sa opening prayer. We also sang the national anthem before the orientation started.

Winelcome ng principal namin ang freshmen sa school. Binigyan din kaming lahat ng maliit na manual at doon nakalagay ang school guidelines dahil maraming nagbago sa patakaran ng OLFU dahil sa nangyari no'ng nakaraang taon.

"Outsiders are now strictly prohibited. Anyone who violates the school rules will be automatically expelled. No buts. No explanations. Maging responsableng estudyante kayo. Ayaw na nating mangyari ang nangyari last year," Mrs. Dizon; our school principal, said.

When The Flower Withers (Fleur Series #1)Where stories live. Discover now