Chapter 12

437 15 57
                                    

Break time namin kaya nandito kami ngayon ni Rylen sa library dahil ang baklang si Nica ay absent.

"Naguguluhan pa rin talaga ako sa asset asset na 'yan," reklamo niya sabay kamot sa kaliwang tainga.

Kinuha ko ang papel niya at sinimulang mag-explain sa kaniya. "Basta tandaan mo lang na ang assets ay 'yong mga nagbibigay sa 'yo ng pera. Liabilities naman ay 'yong mga nag-aalis sa 'yo ng pera."

I was jotting down the things I was saying in his reviewer. I also put some examples so he could understand it more. 

"Example ng assets ay businesses at investments. Just think about the things that will give you money and will help your money grow over time," I explained.

Nagbigay na rin ako sa kaniya ng examples ng liabilities at sinabing mag-search pa siya mamaya pag-uwi dahil sobrang hirap magpa-exam ni Sir Yves. Analysis kung analysis.

Start na kasi ng hell week namin next week. Puro na kami long tests at quizzes kaya todo aral talaga ako ngayon. Hindi na rin muna ako gumigimik kapag may nag-aaya sa akin dahil mas gusto kong unahin ang pag-aaral ko.

"Alam mo mas natututo pa ako sa 'yo at sa TikTok kaysa sa mga teachers natin," sabi niya habang pumipindot sa calculator.

"Self-taught nga lang din ako minsan kasi ang complicated mag-explain ni Sir Yves. Kapag na-gets ng isa, magpo-proceed na agad sa next lesson," sagot ko sa kaniya habang nagha-highlight sa reviewer ko.

Though he's a friend of my mom, I kind of hate his way of teaching. Ang bilis masiyado at ang complicated.

For the next days, Rylen, Nica, and I were always together to study for the midterms. Halos hindi na kami mapaghiwalay na tatlo, lalo kami ni Rylen.

We really became closer than we were before. Mas nagshe-share na siya sa akin kung bakit gusto niyang matutuhan ang lessons namin. Dati kasi puro gimik at inom lang ang pinag-uusapan namin. Ngayon, he always talks about his mother, kaya nagsisipag na rin siya ngayon sa pag-aaral.

Nababawasan na rin ang paglalaro niya ng COD which is good since he was focusing more on his studies rather than playing mobile games. 

"Kailan ka magpo-post ng bagong cover mo sa YouTube, Salazar?" tanong ng kaklase ko habang inaayos ko ang gamit ko, uwian na namin.

"Bakit?" tanong ko pabalik bago nagsuklay at naglagay ng lipstick.

Lumapit si Janella sa akin at kumapit sa braso ko. "May song request ako," she mumbled. "Kami na kasi ni Joshua," kinikilig na dagdag niya.

I nodded at her. "Sige, anong kanta ba?" tanong ko sa kaniya.

"Crazier ni Taylor Swift," kinikilig pa rin na sagot niya. Her eyes were even twinkling in delight.

Upon telling me her request, I suddenly remembered Ash. I wonder why I haven't seen him in a while given the fact that we were in a same school.

It has been two weeks since the last time I saw him. That was the day when he waved his hand at me but he was sad. What must be the reason of that reaction I saw from him?

Hindi na rin siya pakalat-kalat sa campus. Was he busy studying too?

Kung gano'n, bakit hindi man lang siya nagte-text, tumatawag, o nagcha-chat sa akin?

He must be busy but he is Ash. Gagawa siya nang paraan para kulitin at inisin ako. He would do want he wants just to talk to me and be with me.

I came back to reality when Janella snapped her fingers in front of my face. "Are you alright?" she asked.

When The Flower Withers (Fleur Series #1)Where stories live. Discover now