"Hindi ka ba naniniwala na gusto talaga kita?" She shook her head. "Why?"



"I don't know. Maybe you're just playing with me." How dare is she to say na pinaglalaruan ko lang siya. "It's hard to believe lalo na't straight ka."




"Do I have to be gay just for you to believe me?"




"Hindi naman sa ganun. Mahirap lang talaga paniwalaan." Napabuntong ako ng aking hininga.




"Believe me, I really do like you. Despite of being masungit sayo, deep down I know, I have feelings for you. Just so you know, it doesn't mean na nakikipagtalo ako sayo lagi eh hate na kita cause to tell you honestly, I don't hate you at all. Hindi lang talaga siguro tayo nagkakasundo." Paliwanag ko.



"I'm sorry. Mahirap lang talaga paniwalaan lalo na nga at straight ka." I don't know why she keeps on saying that. "I once fell inlove kasi sa isang straight and she just played with my feelings." She confessed. Kaya naman pala. She have trauma from what happened to her na ginawa sa kanya ng walang kwentang straight na yun kung sino man siya.



"Sino ba yang straight na pinaglaruan ang feelings mo nang maturuan ng leksyon." Pagbabanta ko.



"Hindi mo yun kilala." Tanging sabi niya.




"Look, Yung straight na yun na nanakit sayo, we're not the same, okay? Ako to si Annie." Just wanna assure her na hindi ako katulad nung nanakit sa kanya from her past.





"But, why me?" Ano ba kasi ang kailangan kong gawin para lang maniwala siya na sincere ako at totoo ang mga sinasabi ko sa kanya.




"Di ko rin alam. Wala akong maisip na mga reasons basta ang alam ko lang may gusto ako sayo." Pag-amin ko.


I reached for her hand na nasa ibabaw ng counter. Napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Everytime na nahahawakan ko ang kamay niya ay may kung ano na lang na parang kumukuryente sakin. I don't know if she feels that too.



"I won't force you to believe me right away. If handa ka ng paniwalaan ako, I'll be here." Sincere kong sabi sa kanya.




"Are you not afraid?" Tanong niya sakin. Nanatili pa ring nakahawak ang kamay ko sa kamay niya.




"I am, of course." I said truthfully. "Gaya ng sabi mo straight ako and liking someone who's a girl is new to me." I sighed "I don't know how would my parents would react to me liking a girl."




Kung kanina ako ang nakahawak sa kamay niya ngayon siya na. Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay.





"Wag ka matakot. Andito lang ako." Napangiti naman ako sa kanya.




"Ayeee. Sabi mo yan ha?" I said just to lighten up the mood kasi naman ang seryoso na niya at kinikilig ako ng slight sa sinabi niya hihi.




"Trip mo talaga akong pagtripan no?" Sabay bawi niya ng kanyang kamay.





"Trip po kitang mahalin." Banat ko sa kanya.




"Manahimik ka nga diyan. Kainin mo na lang yang pagkain mo." Suway niya sa akin.



Natawa na lang ako sa kanya mukha kasing nagbublush siya hehe.




"Eto na kakainin na kita." Pasimple akong tumingin sa kanya. Nakatingin lang siya sakin na para bang ang libog kong babae like duh? "What? I was talking to my food." Sabi ko sabay tingin sa food ko "Kakainin na kita." Pag-uulit ko haha. Sumubo na ako ng pagkain saka masaya itong nginuya habang nakatingin sa kanya. "Hmm...sarap mo..."




"Annie!" Suway niya.



"Sarap mo magluto kasi. Eto, utak berde eh. Di pa nga ako tapos sa sasabihin ko." Sabi ko pa sabay kamot ng ulo ko.




"Ewan ko sayo!" natatawa na lang ako sa reaksyon niya. Napabuntong na lang siya ng kanyang hininga. "Don't you think it's only an infatuation?" biglang tanong niya sakin.



Yan din ang inakala ko nung una pero girl nagkamali ako. "I'm pretty sure it's not, Melinda."



She rolled her eyes on me "Can you please not, Annita!"




I gasped "Oh my God, stop!"



"No, you stop!" Sabi niya rin sakin. Pinagtawanan ko na lang siya. Ang cutie lang talaga ng miloves ko sarap bulsahin haha.

















🖤

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now