"Insan Johnson, nabalitaan mo na ba ang nangyari kanina?" tanong ko

"Oo, sinabi sa akin ni Gian." sagot ni Johnson habang uminom siya ng gamot. Inalalayan siya ni Gian na humiga sa kama.

"Johnson, baka alam na ni mama at Tito Randy na magsyota kayo ni Ford!" sabi ni Hansel habang natataranta.

"Naririnig ko nga ang tsismis ng mga kapitbahay natin habang naglalakad kami." tugon ni Rachel

"Insan, may balita ka na kay kuya?" tanong ni Gian

"Nasa barangay hall pa rin sila hanggang ngayon. Nahirapan na nga si kapitana dahil ayaw nilang magbati." sagot ko

"Baka mag-community service pa sila sa gymnasium kung di talaga sila magbati." sabi ni Hansel

(A/N: Para di kayo malito, pinsan ni Rachel sina Gerald at Gian sa mother's side habang sina Johnson at Hansel ay pinsan ni Rachel sa father's side. It means hindi pinsan ni Johnson si Gerald.)

(Ford's POV)

Hindi muna ako umuwi ng bahay namin baka pagagalitan ako nina mama at papa na nagsuntukan kami ni Gerald. Dahil miss na miss ko na talaga si Johnson ay wala akong choice kundi puntahan siya. 

"Taaaaooo poooo!" sigaw ko at binuksan ni Gian ang gate.

Sinamahan ako ni Gian papunta ng kuwarto ni Gerald. Nakita ko na mahimbing na natutulog pa si Johnson sa kama ni Gerald. Hinawakan ko ang noo ni Johnson at napakainit talaga ng katawan niya dahil sa lagnat.

"Gian, pakikuha nga ng bimpo at pakilagay na rin ng tubig ang planggana." utos ko 

Hindi nagtagal ay dinala na ni Gian ang planggana na may tubig at basang bimpo."Ako na bahala dito." sambit ko

Nang umalis na si Gian sa kuwarto ni Gerald ay hinubad ko ang kanyang damit. Ipinahid ko ang kanyang buong katawan at binihisan ko siya ng bagong damit. Bigla lang siyang nagising nang nilagyan ko ng bimpo ang kanyang noo.

"Paps, yakapin mo ako!" pakiusap ni Johnson

"Paps, sorry kasi baka magalit si Gerald." pagtanggi ko

"Sige na paps! Yakapin mo na kasi ako!" pamimilit ni Johnson

Dahil naawa ako kay Johnson ay ginawa ko na lang ang kanyang gusto. Tumabi ako sa kanya habang yakap ko siya.

"Hindi ka na ba galit sa akin?" tanong ko

"Oo, galit pa rin ako pero miss na kasi kita." sagot ni Johnson

"Grabe ka, kanina pa tayo hindi nagkikita. Miss mo na ako kaagad?" tanong ko

Di ko namalayan na nasa kuwarto pala si Gerald. Galit na galit siya at susuntukin na niya sana ako pero di natuloy nang biglang pumasok si Gian.

"Grabe si Johnson, ang haba ng hair! Nag-Rejoice ka ba?" pabirong tanong ni Gian

"Hindi, Palmolive ang shampoo ko." pabirong sagot ni Johnson

(Gerald's POV)

Naiinis ako dahil inagaw ni Ford sa akin si Johnson. Ang kapal talaga ng mukha niya at pumunta pa sa bahay namin para bisitahin si Johnson. Nawala ang inis ko nang bumisita si Sandro at may dala siyang first aid kit.

"Rald, balita ko nagsuntukan daw kayo ni Ford." sabi ni Sandro at umupo siya sa tabi ko.

"Sandro, di ko na kailangan ng first aid kit dahil ginamot na ng mga tanod ang sugat ko tsaka ako umuwi kanina." paalala ko

Umalis kami ni Sandro ng bahay at nagpaalam ako kay Gian na aalis kaming dalawa. Pumunta kami ni Sandro sa basketball court ng barangay namin habang nanonood.

"Gusto mo?" tanong ni Sandro habang inofferan niya ako ng pichi-pichi.

Kumuha ako ng pichi-pichi at kumain kami habang nanonood ng laro.

"May gusto ka pa rin ba kay Johnson?" tanong ni Sandro

Hindi ko sinagot ang tanong niya at pinagkibit-balikat ko na lang.

"May gusto ka ba sa akin?" tanong ko at nagulat siya. 

Bigla siyang nabilaukan dahil medyo napalakas ang kanyang kain ng pichi-pichi dahil kinilig siguro siya. Buti nga lang at uminom siya kaagad ng tubig.

"Hindi, masaya lang ako pag kasama kita." palusot ni Sandro

"Kinilig ka ba sa akin?" tanong ko

"Ewan ko sa'yo!" sagot ni Sandro

Sumandal ako sa balikat ni Sandro at hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang hintuturo ko. Nagustuhan ni Sandro ang ginawa ko sa pisngi niya.

"Sigurado ka ba na di mo ako gusto?" tanong ko

"Oo na, gusto na kita!" pag-amin ni Sandro

"Akala ko nagpapakipot ka." biro ko

Nang dahil kay Sandro ay nawala ang galit at panghihinayang ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Di man ako gusto ni Johnson pero at least naging parte si Sandro ng buhay ko.

"Sandro, matutulog muna ako." saad ko

"Sige!" ani Sandro

Nakatulog na ako habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa balikat ni Sandro.

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz