"So nasaan si yzabelle pala? Bat hindi mo kasama ngayon?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya at hinawakan ang nanginginig niyang mga kamay.

"She died! After nung nalaman kung buntis ako ay may naganap na nakawan sa isang bangko and then isa siya sa mga namatay dahil sa walang awang pamamaril nung mga suspects!" Sabi niya na ikinagulat ko,. What the hell? So ibig sabihin nito si ate miho nalang ang nag iisang mag aalaga sa kanyang anak?

"Oh my gosh?!" Sabi ko at nagigung emotional na din ako dahil sa ikinuwento niya sa akin , hindi ko alam na may mabigat siyang dinadala ngayon kasabay pa na buntis siya at kailangan niyang hindi maistress.

"Nahuli na daw ba yung suspects?!" Nalulungkot na tanong ko sa kanya , tumango naman siya sa akin at tsaka pinunasan yung luha niya sa kanyang mga mata.

"Buti naman at mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya" tugon kong muli habang hinahaplos haplos yung likuran ni ate miho.

"Hmp by the way malapit na kayong gumraduate ni coleen ah? Wala pa ba kayong napag uusapan? Tungkol sa pagbuo niyo ng pamilya once na makatapos na kayo?" Tanong niya sa akin napangiti naman ako ng mapait at tsaka napailing , hindi pa namin napag uusapan ni coleen yung ganun pero ako may binabalak na ako.

"Wala pa naman sa ngayon ate miho , busy pa kasi sa gawain sa school kasi nga graduating na kaming dalawa" sabi ko sa kanya hinawakan naman niya yung kamay ko nang mahigpit saka biglang nagsalita.

"Sigurado naman ako na may balak na yan si coleen pag gumraduate na kayo? What if mag advance kana ngayon? Magpa Ivf kana din nang sa ganun ay may bonus chikiting na kayo pag ikinasal kayong dalawa?" Suhestyon naman sa akin ni ate miho , napaisip naman ako sa offer niya ngayon.

We're financially stabled naman na? At hindi naman sa pagmamadali ah pero feeling ko matutuwa din si coleen pag nalaman niyang magkakaanak na kaming dalawa? Lalo na at napakahilig nun sa mga bata.

"Ano bang dapat gawin dyan ate miho? Hmp try ko muna iconsult kila mom and dad kung papayag sila" medyo kabadong sabi ko hindi naman pwedeng magdesisyon lang ako ng direts syempre need kong malaman kung ano ang magiging tugon ng magulang ko , kung papayag ba sila o hindi.

"We just need lang naman to collect her sample that's all at don't worry ako nang bahala kay coleen , makakagawa naman ako ng way para makakuha ng sample niya nang hindi niya namamalayan" confident na sabi ni ate miho , pinunasan ko nalang yung mumunting luha na nakikita ko sa kanyang mga mata.

Batid ko ang lungkot na kanyang nadarama pero masaya padin ang mukha na ipinapakita niya sa amin sa panlabas na anyo niya.

Hopefully ay mag healed na siya alam kong mahirap pero kailangan niya yun para sa sarili niya at sa magiging anak niya.

Meanwhile

"Iha? 3 years na ang nakalipas since nubg nagpropose ka sa anak ko ah? Nais ko lang sana malaman kung ano na ang plano mo gayung nalalapit na ang inyong graduation na dalawa?!" Seryosong sabi ng daddy ni amy kay coleen na ngayon ay halos maestatwa sa biglaang tanong ng ama ni amanda.

"A-ah tito! Syempre po may pinaplano na akong gawin, saan nga ba ang huling hantungan ng relasyon namin ni amy , edi sa kasalan din po" confident na sabi ni coleen sa daddy ni amy , napatingin naman ito sa paligid at nagsalitang muli.

"Kung magiging idol ba siyang muli ay susuportahan mo padin siya?" Aniya nitong muli , nagtataka na si coleen sa mga tinatanong ng daddy ni amy ngunit kalmado niya lang itong sinagot.

"I'll support her tito kahit ano man ang gusto niyang gawin, nasa tabi niya lang ako lagi kahit anobg mangyari" tugon naman ni coleen , hinawakan naman siya sa balikat ng daddy ni amy.

"Alam kong inaalagaan mo ng mabuti ang anak ko kaya keep it up ah? Umaasa ako na hindi ka gagawa ng ikakasakit ng damdamin niya" seryosong sabi nito nakikinig lang naman si coleen sa sinasabi sa kanya nito.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now