Girl and Boy scouts.
PAGPASOK ko palang sa loob ng dining room ay nakaramdam ako ng maligayang aura. Ibang iba ang aura sa kanina at ngayon.
Saktong pag-upo ko ay syang pagdating sa dalawa, napansin kong medyo napahinto si Brenda sa kanyang paglalakad at para bang nag-aalinlangan itong dumalo.
Nagtama ang aming paningin at binigyan ko sya ng normal kong ngiti, pero she just iwas her eyes bago sya nag patuloy sa paglalakad at umupo.
Nakahanda na yung mga masasarap na pagkain sa hapag at inunahan na ni Manang Hermenia ang pagdasal, medyo naninibago parin ako pero in a good way.
Matapos magdasal ay nagsikain na kaming tatlo, kanya-kanyang kuha ng kanin at ulam na Ginataang monggo.
Hinipan ko muna bago ko isubo and tumpak! Aaaannnsaaaraaaappp.
Minsan lang rin akong nakakain ng ganito, like parang first time nga akong makakain nito. Sa city kasi tamang order lang sa mga restaurant o kaya mag te-take out lang sa Jolibee at Macdo, namiss ko rin ang homecook ni Lola Tirz.
Na enjoy ko ang pagkain pero nararamdaman ko ang akward atmosphere, tahimik lang kasi silang kumain o sadyang ganito lang sila pag kakain?
Nakaramdam ako ng uhaw kaya tumayo ako at kinuha rin yung baso bago naglakad palapit sa water dispenser, matapos ko magsalin ay ininom ko iyon.
Bumalik ulet ako sa kakaupo at nagsalita.
"Hello... Di pala ako proper na nagpakilala kagabi, ako nga pala si—"
"Jasmine." Brenda interrupted.
I smiled before I continue to talk. "Yes, but you can call me ate Jas. I was raised in Bacolod but grew up in Taguig, and yes I don't understand bisaya language pero sasanayin ko na ang sarili na umintindi ng bisaya kasi dito sa Leyte na ako mag se-settle."
"Excuse me ate... Boyfriend nyo po ba si Kuya Jerome?" Napahinto ako sandali sa tanong ni Juny.
"Ah.. no I'm just a colleague, and tinulungan lang ako ni Kuya Jerome nyo. Sa Southern leyte pala ako mag se-settle in, sa lugar ng Lola ko. Pansamantala lang po ako dito titira mga one month or two." Napatango-tango naman si Manang Hermenia sa sinabi ko, while the kids didn't asked again.
"Ahm... Ipaalam ko rin pala sa inyo to, may sakit po ako. Pero di po ito nakakahawa, ito po ay mental illness na nakuha ko when I was a kid. Nakakaranas po ako ng mga panic at anxiety attacks—pero di naman ito lageh, minsan kasi medjo na ti- triggered po ako.." inexplain ko lahat ng sinabi ko kasi eto na ang panimula ng pagbabago.
I'm now trying to be a social person na noon ay hindi ko magawa.
"Sorry."
"Sorry ate... Sorry kagabi at ganun ang inasal ko, I acted so mean." Medyo nakakagaan sa pakiramdam na marinig kong sabihin iyon ng sincere ni Brenda, nakita kong sincere ang apologies nya through her eyes.
I just gave her my sweetest smile and she smiled back.
"At dahil bati na tayong lahat, kainan ulit tayo!" Napalingon kami sa gawi ni Manang at may dala itong isang tray ng jelly? wait I know this nakalimutan ko na rin ang pangalan nito, maya ba yun?
"Wow nay kalami sie ng maja!" (Wow na kasarap naman ng maja!) hirit ni Juny. Maha pala yun.
"Heheheheh kanina ko pa to hinanda at nireserba ko talaga to sa pangtanghalian, himagas ba" nilapag ni Manang yung tray ng maha at kumuha ng kitchen knife pang slice nito.
YOU ARE READING
The Red Strings
General FictionRed Strings? Fate? Destiny? Jasmine Bernadaz never believed in such things. She always thought the world is cruel and pathetic just like her life. Then one day she end her life and leads to an accident- but unexpected person came up and give her hop...
