Him again.
NAKARATING ako sa lugar kung saan karamihan ito ang ginagamit pang excuse ng mga taong gustong indianin ang kasama or kaya the lame excuse kagaya ng ginawa ko kanina.
Nasa loob ako ng cubicle room at syempre doing my thing, parang yung lame excuse ko kanina is nagamit ko rin talaga. Nang matapos ay lumabas ako at nag wash ng hands sa sink, pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang sariling repleksiyon sa salamin.
Simple lang naman ang hitsura ko, di masyadong maganda at di masyadong pangit. Sakto lang sa hitsura. Pero ipinagmamalaki ko talaga ang best assets saking mukha; Ang kilay ko na super ganda ng kurba at ang mga mata ko na kulay tsokolate. Yung ilong ko sakto lang at hindi rin ako clearskin may mga kunting tigyawat rin ako sa sulok ng aking mukha, may pagka heart shape rin ang anggulo ng mukha ko.
Napahilamos ako at muling tumingin sa repleksiyon sa salamin, napatitig ako saglit sa sarili at pilit na gine-get over sa kaninang nangyari. Kinuha ko yung panyo sa bag at ginamit kong pang punas pero napaayos rin ako ng tayo ng may isang ale na pumasok sa restroom, may kasama pala itong six years old na bata.
"Dinhi sa ka nak ha, mag cr sa si Nanay." (dito ka muna nak ha, mag cr muna si Nanay) tumingin saking gawi ang ale at nginitian pa ako bago sya pumasok sa isang cubicle na available.
Habang nag pupunas ako ay naramdaman ko na may nakatingin sakin, na co-concious ako sa titig ng six years old na bata sa gilid ko. Masyadong titig sakin ang bata— baka nagandahan sakin? Hehehe chars. Inayos ko na ang bag ko at sinuot uli ito, aalis na sana ako ng restroom pero napahinto ako ng nagsalita ang ale sa loob ng cubicle.
"Ah. Excuse me Lang, pwede ko mamalihug?" (Ah. Excuse me miss, pwedeng humingi ng pabor?") Actually diko alam kung anong sinabi sakin ng ale kasi di naman talaga ako nakaka-intindi ng bisaya.
"Ah ate, ano po yung kailangan nyo? Pwede paki-tagalog po, di po kasi ako nakaka-intindi ng bisaya" I briefly explain kaya humingi ng pasensya yung ale sakin gamit ang tagalog language.
"Ah pasensya na miss, pwedeng humingi ng pabor? Pwede paki-abot ng bag ko sa sink, mabigat-bigat kasi yan baka di kayanin sa anak ko," Saad nito. Napatingin naman ako sa sink at may bag ngang nakalagay doon—malapit sa pwesto ko kanina habang nanghihilamos. Naglakad ako palapit sa pwesto ng bata at kinuha yung bag.
"Nanay! Gikuha ni ate imo bag!" (Nanay! Kinuha ni ate yung bag mo!) Sumigaw yung bata kaya naalarma ako, di ko pa naman yun naintindihan— (・–・;)ゞ.
"Ah ate eto na po yung bag mo po" nagmamadali akong inabot iyon sa ale ang bag sa ibabaw na surface kung saan ito ay open at nagpasalamat naman ito sakin.
"Maraming salamat miss, at pasensya na po sa abala, anak dia raman ang bag ni nanay namalihug raman ko sa ate gud. Anha raka ha, huwati si Nanay ayaw ug lakaw." (Maraming salamat miss at pasensya na po sa abala, anak na sa akin na ang bag nanghingi ako ng pabor sa ate. Diyan ka lang ha, hintayin mo si Nanay at wag kang aalis.)
Nagpaalam muna ako bago ako tuluyang lumabas sa restroom.
Paglabas ko ay bumungad na naman uli sakin ang samut-saring tao na naglalakad at hinahanap ang mga sasakyan nilang bus, di parin nawawala sa paningin ko Ang mga strings na naka-attached sa pinky finger nila.
Malaki–laki pala ang terminal na to kasi malapad ang parking space ng mga bus, nakita ko na malapit lang rin ang terminal sa isang kalakihan na mall. Kinuha ko muna yung cellphone ko para tingnan kung anong oras na, pero may sandamak-mak na message notifs akong natanggap sa messages na app kaya tiningnan ko kung sinong nag text.
YOU ARE READING
The Red Strings
General FictionRed Strings? Fate? Destiny? Jasmine Bernadaz never believed in such things. She always thought the world is cruel and pathetic just like her life. Then one day she end her life and leads to an accident- but unexpected person came up and give her hop...
