His House, his family.
LUMIPAS ang mahigit na dalawang oras ang byahe bago kami makarating sa bahay ng family ni Jerome, aaminin kong ang ganda ng istraktura ng bahay nila. Mapapansin mo agad na isa sila sa nabibilang na mayayaman na pamilya dahil sa laki at ganda ng bahay nito, na kahit gabi na ay mas lalong maaaninag ang ganda nitong dala pano nalang kaya kung masisilayan mo to sa umaga?
May guard na manong ang nagbabantay ng gate at pinagbuksan pa kami nito bago kami nakapasok sa loob, ng maayos nang na parking ni Jerome ang sasakyan ay pinatay na nito ang makina at kanya-kanya na kaming lumabas. Kahiya namang mag pa open ng door diba?
Naunang naglakad si Jerome papuntang front or entrance door at ako naman ay sumunod lang sa kanya at pumwesto sa likod nya, may doorbell malapit nito kaya ito'y kanyang pinindot.
Nakadalawang pindot ng doorbell si Jerome bago ito buksan ng isang — Manang. Tingin ko nasa edad 50 pataas, medyo maliit si manang, may white hairs na rin sya sa buhok, nagsusuot na ng salamin, at mapapansin mong mabait itong tao dahil sa ngiti nitong nakakadala.
"Ano pong kaila— Senyorito! Buti at naisipan mong bumisita di ne, nalipay ko pagmaayo kay naa ka ari sakto lang nagluto kos paborito nimong sud-an pampanihapon," (Ano pong kaila— Senyorito! Buti at naisipan mong bumisita di ne, malaki ang saya ko ng bumisita ka di ne saktong-sakto at nagluto ako ng paborito mong ulam for dinner) napahinto ang manang sa pag sasalita ng mapansin nya ang presensya ko at di parin nawawala ang masaya nitong ngiti sa labi.
"Hala naa man diay kay dang bisita seyorito— Ali dayon mos sulod, Ali lang dayun sa sulod" (Hala may dala ka palang bisita Senyorito— hali kayo pasok, Hali ka hija pasok sa loob).
I think ako yung kinausap ni Manang or nag a assume lang ako?
Di ko man naintindihan ang sinabi ni Manang ay alam kong hindi iyon masama kasi di parin nawawala ang ngiti nya, lihim rin akong tumitingin kay Jerome na todo rin ang ngiti nito sa labi habang kaharap ang manang.
Nang pumasok si Jerome ay pumasok rin ako alangang mag pa iwan ako sa labas. Pagpasok ko palang na feel ko na uli ang luxurious ambiance sa loob ng mansion, masasabi kong mansion dahil sa kalaparan at kalakihan nito.
Living area nga super bongga. Nakaupo muna ako ngayon sa isa ka upuan na malapit sa mga sofa, iniwan muna ako ni Jerome kasi tutulungan nya raw si Manang Hermenia mag ayos sa mesa.
Napapatingin ako sa taas, baba, kaliwa at kanan ko. Kahit saan man dumapo ang paningin ko ay super linis ng bahay, nakakamangha rin yung chandelier na nakasabit sa gitna ng living room.
Kulay all white ang buong bahay na mina match sa kulay ginto, pula at bughaw. Nahagilap rin sa paningin ko ang isang malaking portrait na nakadikit sa dingding — parang family picture ata yun.
Dahil sa curiosity ko rin ay inilapag ko muna yung backpack na suot ko sa kaninang inuupuan at naglakad papalapit sa portrait, I tried to make myself behave baka makabasag pa ko ng mamahaling vase na malapit lang rin sa portrait.
Nang nakalapit ako sa malaking portrait ay doon ko napagtanto na family picture nga iyon, Nakaupo ang isang mestisa na babae sa isang magandang upuan at ang lalaki naman na asawa nito ay nakatayo sa bandang kaliwa malapit sa gilid nito. Karga nang mestisa na babae ang isang cute na 5 years old ata na batang lalaki at na hindi naka smile kasi seryoso itong tumingin, may isang dalagita ring katabi ng mestisa na babae sa bandang kanan nya at tamis naman itong ngumiti sa portrait.
Ang galing nang artist nitong portrait parang xerox copy talaga, napatingin naman ako sa mga picture frames na nakahalera sa mesa.
Puro family pictures rin at individual photos. May pic akong nakita na naka whacky pose si little Jerome at yung ate naman nya nag silly face rin— which is cute.
YOU ARE READING
The Red Strings
General FictionRed Strings? Fate? Destiny? Jasmine Bernadaz never believed in such things. She always thought the world is cruel and pathetic just like her life. Then one day she end her life and leads to an accident- but unexpected person came up and give her hop...
