•Chapter 3

17 2 18
                                        

Strings



NASA loob na kami ng kotse at ni isa saming dalawa ay walang nagsalita sa nangyari na kahihiyan na nagawa ko kanina.

Bumabyahe kami ngayon papuntang terminal dahil babalik na ako ng maynila, uuwi na ako sa amin pero ewan ko lang kong welcome pa ako sa bahay.

Gusto ko man umimik pero nawalan rin ng courage magsalita kasi wala akong maisip na topic at seryoso rin sa pagmamaneho si Jerome, kaya sa huli never akong umimik at nilibang nalang ang sarili sa tanawin sa labas hanggang sa nakarating agad kami ng terminal.

Naghanap pa ng puwesto si Jerome na ma parking-ngan sa kotse nya bago ito pinatay ang makina at bumaba na kaming dalawa. Nagtanong pa kami sa mga konduktor doon kung saang bus ang papunta ng Maynila tinuruan naman kami kaya di kami nahirapan mahanap iyon.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng bus pero di parin ako sumasakay ewan I feel my gut feeling na parang sinasabi nito na wag daw ako sumakay, kanina pa nakaalis si Jerome. Todo pasalamat ako sa lahat ng mga mabubuting ginawa nya sakin at super dami ko nang utang na loob sa kanya na kailanman diko alam kailan at paano ko yun mababayaran.

Dahil sa di ako mapakali ay umupo muna ako sa waiting chair ng terminal. sa kaso kong to parang maiiwanan talaga ako ng bus, marami ng mga pasaherong sumakay sa bus na sasakyan ko pero di parin ito umaandar. Kinuha ko yung cellphone ko sa loob ng backpack— yes buhay na buhay pa yung cellphone ko since that accident pero may crack na ang screen pero magagamit pa naman.

Dinial ko ang number ni Reya at tinawagan ito, nakadalawang call ako bago nya ito sinagot.

"Hello?" sagot nito.

"Reya—" di ko natapos yung sasabihin ko ng naunahan nya ako magsalita.

"Ate! Bakit ngayon ka lang nagparamdam! Nag-alala ako sayo nung di kita ma contact akala ko may nangyari na ng masama sayo, ano te kamusta ka? Asan ka ngayon? Tinanong ko si Manang Juli na umuwi ka ba sa bahay nyo pero sinagot lang ako na di ka na daw umuwi ng bahay matapos kayo mag divorce ni Wendell —" andami pa nyang sinatsat na diko masyadong pinagtuunan ng pansin dahil panay ako kakasilip sa bus na dapat sasakyan ko.

"Ate? Nandyan kapa?" muntik ko ng nakalimutan na may kausap pa pala ako.

"Oo nandito pa, ah Reya okay bang sa inyo muna ako titira?" di naman sya
nakasagot agad kaya ako na naman yung nagtanong sa kanya kong nandyan pa ba rin sya.

"Ate gustuhin ko man na patirahin kita sa bahay ay di ko magagawa, nandito kasi yung mga magulang ni Sammy at pansamantala ring tumira dito sa bahay kasi pina-renovate ang bahay nila. Super masikip na nga dito sa bahay kasi lahat ng furniture nila dinala rin dito hays" napaasim naman yung mukha ko, saan na ako uuwi nito?.

"Kay kuya Adonis naman di ka pwede tumira kasi baka atakihin ka rin ng allergies mo dun, super dami pa namang alagang pusa si kuya. Sa bahay naman.... Di ka rin puwede doon ate super galit si Dad sayo" biglang nawala yung facial expression na ginawa ko ng marinig ko ang hulihang sinabi ni Reya.

"Nalaman nya ate na nakipag divorce ka kay Kuya Wedell— well his kumpare told the news, he called me through the phone and I knew he was furious sa way ng pagsasalita nya. I tried to explain kung bakit nyo na pagdesisyonan iyon at sa di ko sinasadyang madulas sa pagsasalita nabanggit ko rin kay Dad about sa m-miscarriage mo ate....." I'm speechless.super speechless.

"I'm so sorry ate I didn't mean to tell him but it just slipped away from my mouth, I'm sorry" paulit-ulit syang nag sosorry pero di parin ako maka react sa ibinalita nya sakin.

The Red StringsWhere stories live. Discover now