"Ah Coleen? Pwede ko bang maimbitahan si Amy para sa ----" aniya nitong kumag na to hindi ko naman siya masyadong narinig dahil isang malakas na boses ang bumungad sa akin.

"Coleen pinapatawag ka ni frances pala sa may library magpapatulong daw siya about dun sa libro na sinasabi mo" biglang singit sa usapan ni sheki na kakarating lang muli sa classroom kasama alice na girlfriend niya.

"Oo susunod ako dun bonitah?! Nandun na din si brei diba? Siya nga pala ano ulit yung  sinasabi mo gabb?" Medyo kalmado nang sabi ko sa kanya, magsasalita na sana siya ngunit nagsalita sa may gilid si laney.

"Kung pwede mo daw payagan si amy na sumama sa party coleen? Okay lang naman sayo yun diba? Tsaka kasama din ako ni Amy don't you worry" Sabi naman ni laney sabay hawak sa may balikat ko ,hindi ako papayag ngunit makikita ko sa mukha ni amy na gusto niyang payagan ko siya so ano pa nga ba ang magagawa ko.

"Oo naman sino ba ako para humindi?! O siya maiwan ko na kayo , mamaya nalang ulit amy punta muna ako sa library" paalam ko sa kanila hindi na ako humalik sa pisnge ni amy sapagkat ayokong makita niya na naiinis ako.

Naglakad lakad na ako at madami akong nakakasalubong ngayon na mga estudyante na panay lang chismis sa may gilid.

Na kesyo ang gwapo daw nung baging lipat sa Class A na si Skribikin na yun , tsk di naman masyado sadyang mahaharot lang sila.

Nakarating na ako ng library at nag top up muna ako ng id ko sa may entrance nang sa ganun ay malaman na nandito ako sa library.

Hinanap ko na yung mga kaibigan ko dito at na relieved naman ako ng makita si brei na tahimik lang na nagbabasa ng libro kasama niya pala si Lara ngayon.

"Hi lovebirds?! Ayos ang date niyo ah sa library pa? Relationship goals yarn hahaha siya nga pala nasaan si frances?" Bungad ko sa kanila sabay inilapag na yung gamit at bag ko sa may upuan.

Nginitian lang naman ako ni Lara pero si brei halatang hindi nagustuhan yung sinabi ko masyado bang cheesy brei? Hahahah

"Nasa book shelves 14 siya hinahanap yung nabanggit mo na story sa kanya yung Lost In love ba yun? Ewan naging interesado na din siya dahil sa nakwento mo sa kanya kaya ayun nag effort siyang hanapin iyon, May part 2 na nun diba?" Nakwento ko nga sa kanila yung binabasa kong libro nakaraan it was entitled Lost In Love kung saan madami akong lesson na nakuha.

Isa na dun ay kapag in a relationship ka need mo na pakinggan yung side ng kinakasama mo lalo na kung nay nalaman kang isang bagay na makakasira sa inyo ay need mo pa din siya pakinggan and you'll be the one to decide kung maniniwala ka ba.

Isa pa sa natutunan ko is control your emotions kasi pag nasa emotional part ka ng buhay mo ay maaari kang makagawa ng mga bagay na hindi mo naman talaga gawain at tsaka makakapag bitaw ka din ng mga salita na hindi mo naman talaga minimean but sa taong sinabihan mo nun ay sobrang sakit nun kaya you better choose your words wisely kapag emosyonal ka at tsaka yung actions mo din.

"Oo may Book 2 na nun at kasalukuyang binabasa ko na siya ngayon , o siya puntahan ko na muna si frances sa shelves 14" mahinang sabi ko sa kanila tumango nalang sila at naglakad na papunta sa kinaroroonan ni frances.

Tanaw ko na siya sa malayo at nakatungtong siya sa may isang upuan at may inaabot siyang libro na hindi niya maaabot dahil sa sobrang taas nun.

Matangkad naman siya ngunit hindi niya talaga maabot iyon bahagyang napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siya.

Napabalik nalang ako sa may bookshelves 13 dahil may nakita ako doong panungkit sa libro at makakatulong iyon kay frances na makuha yung gusto niyang kunin na libro.

"Hay nako frances katalino lino mong tao tapos hindi mo man lang naisip na kunin tong panungkit , o siya mag ingat ka at baka mahulog ka dyan" pagpapaalala ko sa kanya baka kasi ma out of balanced siya at napaka delikado kung malalaglag siya may kataasan pa naman.

"Sanay na akong mahulog coleen, btw salamat dito ah!" Sambit niyang muli at kinuha na yung panungkit na hawak ko tsaka kinuha na yung kanina niya pa na inaabot na libro.

"Kanino ka ba nahulog at mukhang hindi ka sinalo ng taong iyon ah? Ang laki naman ng sinayang niya kung ganun Frances" aniya ko sa kanya malaki ang sinayang ng taong minahal ni frances kung ganun, sobrang bait niya , caring , cheerful, matalino and besides maganda pa siya.

"Kung alam mo lang na ikaw yung sinasabi ko ngayon? Matagal mo ng alam na may gusto ako sa iyo pero binaliwala mo lang" aniya niya pero hindi ko narinig iyon dahil may nakita akong libro na romance ulit mukhang maganda siyang basahin.

"Huh ano yun frances?!" Sabi ko sa kanya hindi ko kasi narinig yung sinabi niya napahawak naman ako sa may bibig ko sapagkat napalakas ata yung pagkakasabi ko.

"Ang sabi ko nahanap ko na yung libro na sinasabi mo eto oh? Fudge grabe namang pagtatago ang ginawa nung last na nagbasa nito at sa tuktok niya pa mismo inilagay itong libro na to" mahinang sabi niya naglakad na kami papuntang table nila Lara at nang sa ganun ay makapagbasa na kami ng kinuha naming libro.





Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now