"Thank you, mommy." Sabi ko.




"For what?" Tanong naman niya sakin.




"For everything..." sabay singhot ko.



"Are you crying?"



Kumalas na ako sa pagkakayakap sakin ni mommy pero nanatili pa rin akong nakayuko.




"Can you look at mommy?"



Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo.



Napabuntong siya ng kanyang hininga "Why are you crying, hmm?"





"I'm j-just happy, mom." At tuluyan na nga akong napaiyak.




I heard my mom scoffed "Ang drama mo talagang bakla ka kahit kailan no? Come here..." natawa ako sa sinabi niya habang umiiyak pa rin. She wants me to hug her so I hug her. Mommy knows kasi na I'm gay. Siyempre at first duda siya na if bakla ba talaga ako eh girly pa sa girly ako kung gumalaw at manamit but at the end of the day hinayaan niya na lang ako sa kung ano ang gusto ko. Di siya tumutol lalo na at favorite niya akong daughter.

'Favorite ka niya siyempre no choice naman siya since ikaw lang naman nag-iisang anak niya' sabi ng utak ko. Panira.



"Tahan na okay? Mommy's proud of you baby. I'm always proud of you." Inilagay niya ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko saka pinunasan ang aking mga luha "Kaya ikaw tumahan ka na kasi ang pangit mo tignan."



"Mommy!" I whined. Ang sama talaga niya. Well, kung pangit ako mas pangit siya. Tandaan kung ano ang puno siya rin ang bunga.



"Siyempre biro lang. Gusto ko lang na wag ka na umiyak kasi nasisira ang beauty mo. Baklang to." Si mommy talaga ever since umamin ako na bakla ako di na siya tumigil kakatawag sakin niyan. "Tsaka kung sino man yang nagpaiyak sayo di siya worth it diyan sa mga luha mo."




Iba talaga ang mother instinct.




"Anong pinagsasabi mo, mommy?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha ko saka umayos na sa pagkakaupo.




"You're my daughter and I know you." Pinaandar na ni mommy ang sasakyan. "You won't cry over some 'thank you for everything' speech. You always thank me though and you never cry."



Oo nga naman. Palagi ko siyang pinapasalamatan araw-araw. I always told her how much I love her as my mother and how thankful I am to be her daughter.





I sighed "You know you can talk to mommy when you're not fine, right?"




"Of course."



"Isa pa, tayo na lang dalawa. Magtataguan pa ba tayo?"




Napatingin na lang ako kay mommy "I love you, mom. You're the best."



"I know I am. Now, put your seatbelt on kasi baka malate pa tayo dun sa resto."




Right. Baka nga andun na silang lahat.




After ng kain namin sa labas ay nagsipaalam na kaming lahat.



Nang makauwi na kami sa bahay ay agad akong pumasok ng aking kwarto. Nag-ayos na din ako ng sarili kasi gusto ko na matulog haha. Nakaramdam ako ng takot bigla. Hindi ko kasi alam kung paano ako ngayong graduate na ako. I mean, saan kaya ako pupulutin? Sana wag naman sa kangkongan huhu.



Gusto ko talagang makapagtrabaho at sana lang may tumanggap sakin pag nag-apply ako. Mostly kasi hinahanapan ng experience eh pano naman kaming mga fresh graduates diba?



Mahirap talaga ang sistema dito sa pilipinas kaya andaming unemployed at lugmok pa rin sa kahirapan eh kasi masyadong matataas ang standards ng mga hayop na company na yan.




Kasalukuyan akong nagsusuklay ng aking buhok ng may nagtext sa phone ko.




Annie? Bakit naman nagtext yun?



Ayoko pa sanang buksan ang message niya kaso wala pang ilang segundo ay tumunog ulit ang cellphone ko. Tumunog ito ulit kaya naman binuksan ko na at binasa ang mensahe niya.




From Annie B:

I'm

Outside

Of

Your

House.



Ano ba naman tong babaeng to. Paisa-isa ang message.



I decided to reply her.



To Annie B:

What

r

u

doing

there

?

Siyempre I copied how she texted me.


From Annie:

Come out.


Matagal na akong nagcome-out duh!


To Annie:

'Ayoko nga. Umuwi kana.'


From Annie:

'Lalabas ka o gusto mong kaladkarin pa kita palabas?'



What does she mean kaladkarin? Tss. As if naman na makakapasok siya sa bahay para kaladkarin ako palabas.




Magrereply pa sana ako sa text niya nang biglang bumukas ang pintoan ng kwarto ko at iniluwa nito si Annie na ngayon ay nakahalukipkip na ng kanyang braso.



"Ano? Ready na akong kaladkarin ka."



Wait, paano siya nakapasok?





🖤

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now