00:05

2 1 0
                                    

(syon)



three years later...

"kuya!" sigaw ng mga kapatid ko ang nangingibabaw nang lumabas ako ng bus. may dala pang banner ang dalawa, hindi naman ako nangibang bansa. napatawa na lang ako dahil bukod sa pangit ang pagkakasulat ng welcome back ay pareho pa silang nakauniporme. save on his corporate attire while sya's on her white nurse outfit.

"welcome back, syon." sinimangutan ko si sya ng hindi ako nito tawaging kuya. kung tutuusin, minuto lang ang agwat namin pero lumaki kaming ako ang kuya. inirapan lang ako nito.

"bakit niyo pa ako sinundo? naabala pa ata kayo," bati ko.

"angas ng thank you mo a. tara na, naghihintay sila." - sya

"sinong sila?"

"naichika ko kay kuya breme na uuwi ka ngayon. after three years," si save naman ang sumagot. tumango lang ako. tinignan niya ang tanging backpack na dala ko.

"yan lang talaga gamit mo, kuya? parang makiki-overnight ka lang a?" - sya

"bisita lang naman, babalik din ako agad sa village. tara na."

--

nang makarating kami sa bahay, una kong napansin ang mga halaman. ilan na lang ang buhay. kung hindi tuyo ang mga sanga't dahon, bakante na lang ang mga paso.

"sinubukan ni nana iligtas yung iba, kuya. pero wala na raw talaga. hindi na rin nakkwentuhan ni kuya breme kasi bihira na rin siya makabisita," tumango ako at ibinigay ang bag sa kanya. lumapit ako sa isang pasong lupa na lang ang laman, "pierre..." 

love like lilies (a happy ending)Where stories live. Discover now