00:02

3 1 0
                                    

(syon)



"syon..."

"kuya"

"huy gising"

"binabangungot ka, bro"



naalimpungatan ako sa pagkurot at pagyugyog ng dalawa kong kapatid. parehong nakasampa sa kama, si sya na nakasabunot sa buhok ko at si save na hawak naman ang mga daliri ko sa paa.

"anong sinabi ko tungkol sa pagpasok sa kwarto ko?" iritado kong tanong sa kanila, matalim ang matang pabaling-baling sa kanila. padabog ko ring tinanggal ang pagkakasabunot ni sya sa buhok ko at muntik pang mahulog si save nang bigla ko ring hinila ang paa ko't umalis sa kama.

"napakasungit. siya na nga ang tinulungan, tsh." bulong ni sya na mas lalong nagpainit ng ulo ko. binulungan siya ng katabi niya, "ate."

"may sinasabi kayo?"

"oo," sabay irap ni sya. umalis ito sa kama at tumayo sa harap ko. hinawakan siya ni save sa braso.

"ano? mag-sorry ka na, sya at lumubay na kayo sa kwarto ko." tinitigan ko siya sa mata, hindi gustong magpatinag.

"bakit ako magso-sorry? wala naman kaming ginawa," her defense.

"you two barged in my room while i sleep. you know how i dislike that," malapit nang mapigtas ang pasensya.

"because you were screaming earlier!" she snapped.

save stepped in between us. "kuya, you were dreaming again about the accident."

"it wasn't about the accident," and i didn't dare look at my brother while saying those words. he just know so well. he sighed.

he turned to our sister, "ate, tara na. lumabas ka rin, kuya. andito sina kuya seth."

love like lilies (a happy ending)Where stories live. Discover now