00:03

2 1 0
                                    

(syon)



"kamusta ka?" tanong ni seth, ilang sandali pagkatapos naming magsama-sama sa sala.

"paano mo gustong sagutin ko 'yan?" tanong ko pabalik.

"i hope you're doing better, hwang." si qrst.

"hindi matutuwa si pierre na ginaganyan mo ang sarili mo. ikaw ang pinakanakakaalam na napakamatampuhin nun, hwang. isa sa mga laging bilin nya ay ang alagaan mo ang sarili mo," si mien naman ngayon.

"kasi parang inaalagaan mo na rin siya," pagpapatuloy ni farrell.

"kuya, ang mga halaman..." singit ng kapatid kong nasa tabi ni breme.

"samahan ka namin sa garden, hwang. marami akong chika para sa mga halaman ninyo," breme.

--

hawak ko ang hose habang may hawak na timba at tabo si breme. may binubulong siya sa mga rosas na hindi pa tuluyang namumukadkad.

"baka magtampo ang mga iyan at malanta?" pagbasag ko sa kung anumang chismis niya. inirapan lamang ako nito.

ang iba naming mga kaibigan ay nasa mga upuan, kasalukuyang pinagsisilbihan ni save. napansin ata ni mien ang panonood ko sa kanila kaya tumayo ito at naglakad palapit sa akin.

"papasok ka na ulit sa trabaho?" kinuha nito sa kamay ko ang hose at siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ko. "maglilimang buwan na, syon."

"pero parang kahapon, andito pa lang siya e"

"you know you can't stay this way forever," he looked at me with deep concern in his eyes. "pierre won't be happy. wherever he is."

"but i promised him i'll be wherever he is," i looked at the ring i'm wearing. may tatlong letrang nakaukit palibot doon. three L's. love like lilies. to love and hold him with only purity and no other intentions.


love like lilies (a happy ending)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt