"Tinawagan ko si tito Ethan last night. I asked him kung bakit po umalis siya, then all he said was that 'kailangan' daw po, eh." Naka-simangot na saad niya.

Akala ko ba hindi pa tumatawag si Ethan? I asked myself.

Ngumiti lang ako bago ituon sa harap ang atensiyon. Kung kailan okay na, kung kailan tanggap at naintindihan ko na ang dahilan niya doon naman siya umalis.

Iyon naman ang gusto ko, ang ipag-tulakan siya palayo sakin, pero bakit ngayon na siya na mismo ang lumayo, bakit ang sakit-sakit na naman?

"Mag rent nalang tayo ng transient house." Saad ni Levi.

"Sus! Alam ko na sunod na request mo, doon sa Northpine, malapit sa Camp John Hay." Saad ni tita Ali bago umiling.

Saba'y namang natawa si Aliza at tito Liam dahil doon, "Maganda nga doon, kaso mukhang ang mukha ni Dail ang malulukot kapag nakita ka, Levi." Pang-aasar ni tito.

"Ramdam ko, may gusto sakin si Dail. Pakipot lang!" Pag-saba'y ng kapatid ko sa asaran.

Napailing nalang ako bago kagatin ang loob ng pisnge. Hanggang sa makarating kami sa sinasabi nila, maganda nga iyon, maski ang tanawin maganda.

Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila dahil last year ay hindi naman ako sumama sa staycation nila.

"Papahinga ba muna o gagala agad?" Tita Lia asked, kakatapos lang namin ayusin ang mga gamit namin.

"Walang pahinga-pahinga, gagala agad!" Saad naman ni Levi.

Tahimik lang akong naka-upo sa gilid nang saba'y-saba'y silang lumingon sakin. Tipid akong ngumiti bago tumango. "Gagala na," ayaw kong mag mukmok, ang tagal ko ding hindi naka-punta dito.

Bit-bit ang tote bag na may laman na gamit pangkuha ng litrato ay saba'y-saba'y kaming lumabas ng inuupahang transient house bago sumakay sa van patungo ng Camp John Hay.

"Lalong gumanda dito," manghang sabi ni Aliza habang kung saan-saan tumututok ang camera ng cellphone.

Totoo iyon, lalong dumami ang mga bulaklak, sobrang linis din. Ang sarap mag tambay dito.

Kaniya-kaniyang kuha kami ng mga litrato, habang ang iba ay inuutusan akong kuhaan sila. Nang matapos ay umupo lang ako sa shed habang nakatanaw sa magandang tanawin. Sobrang nakaka-relax, sumaba'y pa ang medyo malamig na klima.

"Tita, mayroon bang malapit na bilihan ng strawberry taho dito?" I asked, ano ba iyan kakadating lang taho agad ang hinanap! Natatakam ako, gusto ko ng taho na maraming strawberry syrup at sago.

"Merong malapit dito pero baka wala ng nag lalako sa ganitong oras. Bukas ng umaga, maaga kayong gumising para madami tayong mabili." Sagot ni tita Ali.

Naka-simangot na yumuko na lamang ako. Gusto ko ng taho eh! Nang sumapit ang tanghali ay agad nadin naman kaming umalis ng Camp John Hay para kumain ng tanghalian sa Grumpy Joe Restaurant.

Nang makapasok sa restaurant ay kaagad na kaming nag order ng pagkain with desert syempre. Chicken wings with rice and pasta lang ang inorder ko sakin, pero halos mapuno na ang lamesa namin dahil sa dami ng inorder nila! Mga walang patawad!

Nang matapos kong kainin ang pagkain ay agad akong nanguha ng aloha pizza. Napapikit ako nang malasahan ang pizza, grabe ang sarap!

Walang pag-aalinlangan akong tumawag ng stuff bago ulit umorder ng dalawang box ng pizza. Kailangan kong mag take out, nakakahiya kung dito ko kakainin ang inorder na dalawa pang box ng pizza.

Natatawang lumingon ako sa mga kasama na parang gulat na gulat kung tumingin sakin. I just shrugged then smiled.

"Ate, ang takaw-takaw mo na lately, lalo na sa taho. Grabe ka, hindi kaba nauuta sa strawberry? Araw-araw kang kumakain ng ganon," saad ni Levi na kapapasok lang ng kwarto, kotongan ko itong bata na ito eh, ang hilig mangaelam sa kinakain ko!

"Hindi, masarap, eh." I said then rolled my eyes at him.

Natawa siya dahil doon, "alam ko naman na masarap, pero parang nakaka-uta na sa lagay mo dahil halos oras-oras kumakain ka. Kapag bibili ka sa umaga talagang kailangang may taper ware pang dala para sa take out?" Naka-ngiwing saad niya.

"Alam mo lumabas kana bago pa kita masipa, bwiset pakaelamero!" Singhal ko.

Nang umalis ang pakaelamero kong kapatid ay tinuloy ko nalang ulit ang pag kain ng taho, grabe sobrang sarap!

"Levi, tigilan mo ako bwiset ka! Kakalabas mo lang dito kumakatok ka na naman!" Sigaw ko nang makarinig ng katok.

Punyeta hindi manlang ako bigyan ng me time with my taho!

"Ay tita, ano po iyon?" Tanong ko bago kagat labing ngumiti kay tita Ali na kapapasok lang ng kwarto.

Nakakahiya!

"Okay ka lang ba? Lately kasi napapansin namin na palagi ka nalang nag papaiwan dito sa transient." Tanong niya.

I immediately nodded, "opo naman tita, okay na okay ako. Sadyang ayaw ko lang mag gala-gala. Ang bilis ko mapagod at antukin, eh." I said honestly, sa dalawang linggo na andito kami, madalas na nag papaiwan ako dito sa bahay. Sumasama lang ako kapag kakain sa resto.

"Napapansin ko nga. Sobrang emotional mo din kapag wala ka ng taho," sabi niya bago mahinang tumawa, napatingin ako sa maliit na bagay na inilagay niya sa kamay ko

Pregnancy test. "Tita, anong gagawin ko dito?" Kunot noo na tanong ko bago tumingin sakaniya, "bakit mo ako binigyan nito?"

"Try to use it," saad niya bago kuhanin ang pagkain na hawak ko at ilagay iyon sa side table. "Go, I'll wait for you here."

Alanganin akong tumayo bago pumasok sa bathroom, kinakabahan ako habang hinihintay ang magiging resulta.

Please negative muna hangga't hindi pa kami okay, please. Naestatwa ako dahil sa nakitang resulta.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat