Chapter 45: AMANG SUBA

Beginne am Anfang
                                    

Nagkatinginan sina Awen at Ylaya sa sinabi ng nagiging emosyonal na si diyosang Tala. Lumapit sa kanya ang diwatang reyna at hinawakan ang mga kamay ng diyosa.

"Naiintindihan ko po kayo mahal na diyosa, pero walang kasiguraduhan kung makakarating tayo roon ng buhay. Dito pa lang sa kagubatang ito ay nagkalat na ang mga mababangis ma halimaw. Hindi pa kasama riyan ang mga nagrorondang mga sarangay at culeriot na bumibiktima sa mga manlalakbay," saad ni Ylaya na naaawa sa kalagayan ng diyosa.

"Nangangamba kasi ako sa paggamit ni Banaual sa kapangyarihan ng tungkod ni Ama. Gagamitin niya ito sa kasamaan at pagharihan ang Sanlibutan," ang halos maiyak ng wika ni diyosang Tala kay Ylaya.

"Hindi mangyayari yan, mahal na diyosa. May hangganan ang lahat ng kasamaan sa Sanlibutan," ang pag-aro ni Ylaya sa diyosa. "Ako mismo ay tutulungan ko po kayo sa pagbawi ng tungkod ng inyong amang si Bathala mula kay Banaual. Tutulungan ka namin ng aking anak na si Odessa," dagdag pa niya.

"Odessa?" tanging nasambit ni diyosang Tala pagkarinig sa pangalang binanggit na anak ng diwatang si Ylaya. "Anak mo si Odessa ng Sansinukop, ang babaeng tinutukoy sa propesiya?" tanong niya sa diwata na tila lumiwanag ang mukha.

Tumango si Reyna Ylaya sa tanong ni Odessa at saka ngumiti. Kitang-kita sa mukha niya ang pananabik sa anak na matagal na nawalay sa kanya.

"Pero, paanong--" ang naguguluhang tanong sana niya kay Ylaya na hindi na naituloy dahil sa magkahalong emosyon.

"Nakauwi na ang aking anak, mahal na diyosang Tala. Nakauwi na siya at kasalukuyang nasa Elitheria na," ang tugon ni Ylaya na maluha-luha ang mga mata at nanginginig pa ang mga labi. "Naroroon na siya para bawiin sa aking asawang hari ang aming kaharian," dagdag pa niya at tuliyan na siyang naiyak.

Napahawak sa kanyang bibig si diyosang Tala pagkarinig sa ibinalita sa kanya ni Ylaya o Baguinua, ang dating Reyna ng Elitheria.

"Natutuwa ako na nandirito na ang iyong anak na si Odessa, Ylaya. Natutuwa ako na siya ang babae sa propesiya," ang naging tugon ni diyosang Tala na naiyak na rin sa pagiging emosyonal din ni Ylaya.

Hindi napigilang yakapin ng diyosa ang babaeng diwata dahil sa tuwa na naidulot nito sa kanya. Mangyayari ang propesiya at si Odessa na anak ni Reyna Baguinua ng kaharian ng  Elitheria ang gaganap para matupad ito.

"Amanaue, Amanaue dapat ang magiging pangalan niya kung hindi lamang siya pinagtangkahang patayin ni Khalil pagkasilang ko sa kanya. Hindi sana siya nabuhay na kasama ng mga tao kung hindi siya binalak patayin ng aking asawa," kuwento ni Ylaya kay diyosang Tala.

Kumawala sa pagkakayakap si diyosang Tala sa  diwata nang dumating sa kanilang harapan ang tikbalang-gubat na si Aki. Kaagad namang pinahiran ni Ylaya ang mga luha sa kanyang mga mata at tumingin kay diyosang Tala.

"Mahal na diyosang Tala, sasama po ba kayo sa akin sa Elitheria para makaharap at makilala ang aking anak na si Odessa?" ang ngayo'y nakangiting tanong ni diwatang Ylaya sa diyosa.

                       +++++00000+++++

"Taglay niya ang makabagong kapangyarihan ng isang mandirigmang diwata at isang diyos, Amang Suba," saad ng puno ng Quebaluan habang walang malay na nakalutang sa hangin ang batang si Blake.

"Pero sino ang posibleng magulang niya lalo na kung nanggaling siya sa hinaharap?" tanong ni Amang Suba na nakaupo sa isang matigas na bato na bahagi ng lumulutang na isla ni Quebaluan.

Kuntento namang nakikinig si Mariang Makiling sa tabi ni Amang Suba. May pagkakataon na kinakabahan siya kung ano na ang nangyayari sa batang napamahal na rin sa kanya.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt