Kabanata 4

105 9 4
                                    

Kabanata 4

"Pasaan ka nanaman? Dito bahay mo," Rio asked when he saw that I didn't turn right on our subdivision's street.

"May pupuntahan ako."

Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Alam ba 'yan ni Tito?"

I rolled my eyes at him. "Hindi. At hindi niya malalaman kung hindi ka eepal at sasabihin sa kanya."

Lumakad siya papunta sa akin. "Sabihin mo nga sa akin, bakit ba galit na galit ka sa akin?" he asked.

Medyo nagulat ako sa tanong niya. I scoffed. Hindi ko lang in-expect na biglang doon mapupunta bigla ang topic naming dalawa.

"Hindi ako galit sa'yo," I told him. It was true. I wasn't mad at him, I was annoyed with him and what he did. There's a big difference between those two feelings. Kasi 'di ba sa isang friendship, given na 'yung unspoken rule na 'yun e. 'Yung don't fall in love with your bestfriend bullshit.

Kung hindi siya umamin, edi okay sana kami.

I mean ang hypocrite ko ba na in love ako kay Ford yet galit ako kay Rio kasi nagustuhan niya ako? Hipokrito na kung hipokrito, pero wala si Ford e... hindi ko siya araw-araw na nakikita at nakakasama kaya parang hindi ko na siya bestfriend.

Pero si Rio? Araw-araw kami magkasama noon, magkausap... lahat lahat. Siya ang may alam ng lahat ng kwento ko. Nang kung anong nangyari sa araw ko. Nang kung kanino ako naiinis sa classroom o kung kanino akong teacher naiirita. Lahat.

Bakit kailangan niya sirain 'yun?

"Then why do you hate me so much?" he asked. "May nagawa ba ako sa'yo? Inaway ba kita? May nasabi ba akong mali? Baka kasi may na-miss ako na ginawa ko sa'yo. Baka hindi ko lang alam."

Umiling lang ako sa kanya. "I don't have time to explain right now, may lakad pa ako," sabi ko bago ko siya tinalikuran at nagsimula akong maglakad palayo sa kanya.

Hindi niya naman na ako ginulo at sinundan pa. Hinayaan niya na lang akong umalis. Mabuti naman. Kinuha ko ang phone ko at nag-book ako ng Grab papunta sa bahay nina Lee. Nag-text kasi siya kanina na nandoon daw sila.

Nagpunta lang ako sa waiting shed at hinintay dumating 'yung Grab na na-book ko. Umupo lang ako doon yakap-yakap ang backpack ko. Madilim na nga, pero hindi naman ako natatakot kasi maaga pa naman no. Busy pa kalsada. 'Tsaka lagi akong may pepper spray, just in case.

Narealize ko mahirap pala maging babae... why can't we feel the same security and safety that men feel? Bakit kapag babae ka, kailangan mo magdoble ingat dahil baka anytime may lalaking manyakin ka, saktan ka, atakehin ko or what.

It's so unfair how men made this world uncomfortable and unsafe for women.

Ugh.

Ilang minuto pa, may tumigil ng sasakyan sa harapan ko. Tumayo na ako. Binaba niya ang bintana ng kotse niya, may sinasabi siya sa akin kaso biglang nag-ring cellphone ko.

"Ano?" I asked Lee as I answered his call.

"Nasaan ka na?" he asked.

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at pumasok na ako sa passenger's seat. "Ito na nga papunta na! Nasa Grab na! Hindi makahintay 'to. Atat na atat?"

"Sa Segara Hills ah, Kuya," I reminded the Grab driver.

"Namimiss mo kasi 'yung fun, concerned lang ako," sabi ni Lee.

"Sus! Namimiss? Hindi fun 'yan kung wala ako no. Baka pagdating ko d'yan biglang wala lang naman pala! Boring naman pala!" I rolled my eyes even though he couldn't see me.

Waltz Of Four Left FeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon