Kabanata 3

111 14 5
                                    

Kabanata 3

"Aray!"

Sinamaan ko ng tingin si Rio na naka-upo sa harapan ko. Pinitik niya kasi ako sa noo! He shook his head. "Halatang halata ka po," he said. "Wag naman masyadong obvious na hulog na hulog ka 'dun sa tao."

Wala si Ford ngayon dito, dinala niya kasi sa kitchen mga pinagkainan namin. Kaya naiwan nanaman ako kasama 'tong epal na 'to. Inirapan ko siya katulad ng palagi kong sagot tuwing kinakausap niya ako.

"The E in Quency stands for epal, sana alam mo 'yun," I told him. Wala kasing letter E sa first name niya, e gusto kong sabihin sa kanya na ang epal niya kaya sa second name niya na lang.

He smiled. "The G in Sinclair stands for ganda."

"Walang G sa pangalan ko," I told him.

"Edi english na lang... beautiful."

"Wala rin B."

"Pretty," he still continued.

I rolled my eyes at him. "Wala rin P."

"Alam ko na," he said with a devilish smile on face.

I raised my brow at him. "Ano?"

"The S in Sinclair stands for—"

I cut him off. "Sbeautiful? Spretty? Ano?"

Umiling siya bago ulit ngumiti sa akin.

"Saksakan ng ganda."

I bit my lower lip, trying to stop myself from smiling. Hindi ako kinikilig, okay? Natatawa lang talaga ako. If there's one thing I like about Rio - or maybe the only thing I like about him is his sense of humor.

"Dami mong alam," I said.

"What did I miss?"

Sabay kaming napatingin kay Ford na kakapasok lang ulit dito sa dining room. I shook my head. "Wala naman."

He smiled at me. "Why don't we go outside? Get some fresh air?" he suggested. Kaagad naman akong tumango at tumayo, wala na rin ibang nagawa si Rio kung hindi sumama sa amin palabas ng bahay nila.

Naglakad lang kami nang tahimik papunta sa park dito sa subdivision nila. Nang makarating kami doon ay umupo siya sa swing kaya kaagad akong tumakbo sa katabing upuan dahil uunahan sana ako ni Rio.

I stuck my tongue out at Rio when I sat on the swing first. He just frowned as he sat on the edge of the slide beside the swing. Naka-uniform pa kaming dalawa habang si Ford naka-khaki shorts at white t-shirt. Kahit bakasyon, mukha pa rin siyang seminarista, ano ba 'yan.

"Masaya ka ba talaga sa seminaryo?" I asked him as I swung myself.

He nodded. "Yeah."

"Bakit?" I asked him.

Napatingin siya sa akin. "What do you mean?"

Bakit ka masaya? I wanted to ask him that, but of course, I won't. "I mean bakit gusto mo nagustuhan maging seminarista?" I asked him. "Sinong nagbigay sa'yo ng idea? Si Tito ba? Or tinawag ka ni Lord?"

Matagal na kaming mag-kaibigan, but I never once asked him the reason why he chose to enter the seminary. Sabi kasi nila, may calling daw si Ford. Ito talaga gusto niya. Kaya 'yun ang pinaniwalaan ko.

Sobra kasi akong nasaktan nung nalaman ko na aalis siya at iiwan ako, kaya tuwing magkikita kami, hindi ko ino-open up 'yung topic na 'yun kasi nasasaktan ako.

"Maybe Tatay kind of gave me the idea..." he said.

"How? Sinabi niya?"

Umiling siya. "No... but he once lived in the seminary with the priests... back when he just finished college, I think?"

Waltz Of Four Left FeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon