Kabanata 2

106 13 8
                                    

Kabanata 2

"Oh, bakit busangot mukha mo?" Rio asked.

"Wala," sabi ko.

"Sus, gawa ni Ford?" he asked.

Kumunot noo ko. "Hindi no!" I said. Never naman ako naging malungkot dahil kay Ford no. I mean yes, nalulungkot ako sa ilang mga desisyon niya sa buhay pero never naman ako naging malungkot na intention or kagagawaan niya.

Siya pa nga dahilan ng kasiyahan ko, e. Let me correct that, siya lang ang dahilan kung bakit ako sumasaya.

"Kasi hindi ka crush?" he asked again.

"Alam mo, ang pakielamero mo sa buhay! 'Dun ka nga, 'wag ako ang bulabugin mo," I told him. Sobrang kulit niya. Ni hindi natigil bibig niya. Nakakainis na minsan. Kahit pa kaibigan ko siya, kapag may chance ako, bubusalan ko talaga bibig niya.

"Taray! Kaya hindi ka crush nung tao e," he said before finally leaving me alone.

Inirapan ko lang siya kahit hindi niya ako kita. Kaming tatlo ang magkakaibigan, dahil sa circle of friends ng mga tatay namin, kaming tatlo ang halos magkaka-edad at sabay sabay na pinanganak ng taong 'yun. Mas bata nga lang si Rio ng isang taon sa amin ni Ford.

Para ngang wala kaming choice kung hindi maging magkakaibigan, e. Well pabor naman sa akin kasi nakilala ko si Ford, ewan ko lang kung the same ba ang masasabi ko pagdating kay Rio. Bakit ba hindi na lang siya ang nagpari?

Bakit kailangang si Ford ang may calling?

Sabagay, kung ako rin naman si Lord, magdadalawang isip din akong tawagin si Rio.

Hindi pumasok ang unang subject namin. May emergency daw si Miss kaya natulog lang ako dahil wala ako sa mood na kausapin si Rio. At saka, napuyat ata ako kagabi. Hindi kasi agad ako nakatulog after nung tawag namin ni Ford.

Nang mag-recess, nagpunta na ako sa canteen. Nagulat ako ng bigla na lang siyang sumulpot kung saan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bad mood agad?" he asked. Hindi pa siya nasanay.

"Kung kasinggwapo ko ba si Ford, magiging good mood ka kaya palagi?"

"Malamang," I said.

"Wow. I'm hurt!" he said. "So, hindi ako gwapo?"

I rolled my eyes again. "Pwede ba, 'wag ako ang guluhin mo. Wala ka bang ibang kaibigan?" I asked him.

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. He looked at me like he was so offended. "Wow! Grabe ah! Sa'yo pa talaga nanggaling 'yang tanong na 'yan," he said.

I just sighed. Napa-iling na lang ako bago ulit ako lumakad. When we were in elementary, we were the best of friends. Si Ford, siya at ako. We were a trio. Nung nag-Baguio si Ford, kami na lang dalawa natira. Naging best of friends pa rin naman kami.

Okay naman kami.

Okay naman... tapos bigla niyang sinira kasi umamin siya.

I mean okay naman e, bakit kailangan niya umamin?! It was already a year ago since he confessed. Pero sabi niya sa akin naka-move on na daw siya. Edi okay. Hindi ko lang alam bakit niya ineexpect na babalik pa kami sa dati. Na magiging comfortable ulit ako sa kanya.

After niya magka-feelings sa akin? No thanks. To think na may pasabog pa siya nun ah! Nakakahiya talaga. Friends pwede. Wag lang siya mag-expect na super close pa rin kami. Kaya ako, ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako aamin kay Ford. Ayokong mawalan ng kaibigan. Ayokong mawala siya.

Okay na ako sa ganito.

Sapat na sa akin ang ganito.

* * *

Waltz Of Four Left FeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon