Kabanata 1

150 14 3
                                    

Kabanata 1

"Sin."

"Oh, please, leave me alone," I told Park. Kakauwi ko lang galing kina Ford. Masaya ako. Tapos 'yan nanaman siya sisirain ang mood kong okay na. Papangaralan niya nanaman ako kahit alam niya namang hindi ko siya papakinggan.

"Sin," tawag at sunod niya sa akin sa hagdanan.

Hinarap ko siya. "Ano?" I asked, showing him that I was already annoyed with his presence. Nakakainis siya kahit kailan! Bakit ba kailangang kapatid ko siya?!

"Can we please talk?"

"Para saan?" I asked.

"About earlier," he said.

Umiling ako bago ulit umakyat at dumiretso sa kwarto ko. Kaagad kong binagsak ang pinto pagkapasok at ni-lock 'yon para hindi niya na ako guluhin pa.

Nakakainis!

Nagpalit muna ako ng damit bago ako humiga sa kama ko at nag-cellphone. Kaagad akong nagpunta sa Messenger at chinat si Ford. Siya lang talaga ang tanging mood changer ko. Kung wala siya, ewan ko na talaga.

You: Fordyyy

After five minutes, nag-reply na siya.

Ford: 1 John 4:20

You: blocked

Ford: Haha.

Imbes na mainis, naramdaman ko na lang na umiinit na ang pisngi ko. Gosh! Grabe na talaga epekto niya sa akin, malala na. Dahil tinatamad ako mag-type, tinawagan ko siya. Kaagad niya naman sinagot.

He was already on his bed. He was wearing a white t-shirt kaya mas lalo lang siyang naging fresh. Wala na rin siyang salamin pero isinuot niya bigla ngayong magka-call na kami.

Habang ako nakadapa sa kama at nakapatong lang ang ulo sa unan na dinadaganan ko habang hawak ko ang phone ko.

"Whoever claims to love God yet hates a brother or sister is a liar. For whoever does not love their brother and sister, whom they have seen, cannot love God, whom they have not seen," bungad niya sa akin.

I rolled my eyes. "I never claimed that I love God."

He only smiled as a response.

"Tsaka why the bible quote about brother and sister? Wala pa nga akong sinasabi kung bakit ako tumawag..." sabi ko. Gusto ko bigyan ng malisya lahat ng ginagawa niya. Gustong gusto. Pero ako lang naman magmumukhang hibang kung gagawain ko 'yun... kasi obvious naman na wala talaga.

Na tingin niya lang sa akin kaibigan... o baka kapatid niya.

Hanggang doon lang.

Alam ko naman na... pero wala... minsan kasi... ah, ewan.

"I'm a psychic, you know that," he joked.

"Psychic," I mocked. Psychic? Bakit hindi mo mabasa na gusto kita? Bakit hindi mo maramdaman na more than friends gusto ko, huh? I wanted to ask him those questions, but of course, who was I kidding? Wala naman akong lakas ng loob na sirain ang friendship namin.

Kasi kung mawawala siya... sino na lang mayroon ako?

Sino na ang matitira sa akin? Wala na.

"Pwede bang kahit minsan, kahit isang araw lang, wag mo naman ako bigyan ng bible quotes?" I asked him.

"Why?" he asked.

"Wala... hindi naman ako religious person. Hindi ko rin naman ina-apply sa buhay ko. Sayang lang laway mo," I said.

Waltz Of Four Left FeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon