Simula

290 16 13
                                    

Simula

I hate him.

Super.

I mean it's normal and reasonable to hate someone naman, 'di ba? Pero normal pa ba kapag sa tatay mo ikaw galit kahit wala naman siyang ginagawang masama? Well, technically may ginawa siya... pero in my very perfect brother's words: past na 'yun, Sin.

That's the whole point.

Past.

She was a part of his life. She played a big role in his life, kaya bakit ba ayaw na lang nila akong hayaan na magalit sa kanya? Sa kanila? Bakit ba kailangan pa nila akong pakielaman palagi? Bakit kailangan sabihin palagi na past is past, Sin. Na dapat thankful ako kasi kami naman daw ang pinili ng tatay ko. Na tapos naman na 'yun. Dapat masaya ako kasi complete family naman kami.

Thankful. As if.

"Sin, don't you like the food?" my father asked me when he noticed that I was just staring at my plate.

I like the food. It's my favorite, actually. I just don't want to eat with him. Hindi naman siya madalas sumabay ng dinner sa amin since he's always busy with his work and the company, pero bakit ba kung kailan paborito ko 'yung ulam at saka nagkakataon na nandito siya sa bahay?

Bakit kung kailan excited akong kumain - na once in a blue moon lang nangyayari, at saka siya biglang umuuwi?

The universe hates me. God hates me. Confirmed.

Umiling ako. "I don't like the food."

Nakita kong natigilan si Kuya sa pagkain at tiningnan ako nang mariin, maging si Mama na sinusubuan ang bunso kong kapatid ay napatingin din sa akin. Alam kasi nila na paborito ko 'yung ulam ngayon. I personally requested it kay Manang na ito ang lutuin. Alam ng lahat na favorite ko 'tong ulam na 'to, and sometimes, that makes me wonder... bakit hindi alam ng tatay ko?

Right. Hindi niya nga pala ako kilala. Ni hindi ko alam kung may alam ba siya sa akin, sa kung anong paborito ko, sa kung anong gusto ko, sa kung ano ba ang ginagawa ko sa buhay ko.

He never paid attention to me. No one in this house did.

Lahat sila puro Park. Si Park na honor student. Si Park na sikat at star player. Si Park na sumusunod daw sa yapak ni Papa. Si Park na matulungin. Na mabait na anak at kapatid. Lahat sila si Park ang paborito.

Walang may paborito sa akin.

Walang interesado sa akin sa bahay na 'to.

"Oh..." he said. "Should I ask Manang to cook you something then?"

"Sin," my brother, Park, called.

Tiningnan ko lang siya. There goes the perfect son again. Pilit iniiwasan na magkaroon ng away sa pamilya. Pilit pinapanatiling perfect ang family niya. Minsan gusto kong sabihin sa kanya na gumising siya sa kahibangan niya, because our family is so far from perfect.

I want to tell him that this family was built because of a mistake, but of course, kung sabihin ko man sa kanya 'yun, hindi niya tatanggapin, you want to know why?

Because he was that mistake.

Perfect ba? Sabi lang nila.

"Actually it's not the food," I told him. "I just lost my appetite because of something. Excuse me," I said as I stood up and left the table.

Lumabas na ako ng bahay and as expected, after a few seconds, kasunod ko na agad ang kapatid ko. Ang kapatid ko na perfect, talented, matalino, mabait, masunurin, mabuting anak, tanggap ang past ni Papa. Lahat na.

Waltz Of Four Left FeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon