Part 23

156 6 0
                                    


"IPAGDASAL mong walang mangyaring masama kay Charito at sa bata dahil ipinapangako ko kahit babae ka papatulan kita," mariin at gigil na banta niya kay Kassandra na sumunod pa talaag sa kanyang hanggang dito sa Hospital.

Marahas na binitawan niya ito na muntik na nitong ikawala ng panimbang kung hindi lang ito napakapi sa dingding.

"You fucking asshole! Dapat lang na mamatay na silang pareho--"

Galit na inambaa niya ito ng sampal pero napigilan niya ang kanyang sarili. 

"Ethan!" sigaw nang kanyang mommy na humahangos na lumapit sa kinaroroonan nila ni Kassandra. Humarang ito sa pagitan nila ng dalaga. "What are you thinking? Bakit mo sinasaktan si Kassandra?"

Tinignan niya lang ang ina saka muiling ibinalik ang mga mata kay Kassandra a ngayon ay naluluha na. Tumalikod lang siya. Mayamaya ay dumating na rin ang daddy niya. Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng isang malakas na sampal.

"Raul!" ani nang kanyang ina pero hidi ito pinakinggan ng daddy niya. Pinetserahan siya nito at dinikdik sa dingding. 

"Wala ka talagang kuwenta ang sabi ko sa 'yo layuan mo ang babaeng 'yon pero ano itong ginawa mo ha?" Isang sunok pa sa sikmura ang ibinigay nityo sa kanya. Napayuko siya dahil sa biglang pagkawala ng hangin sa kanyang dibdib. "Itong tatandaan mo," mahinang bulong nito sa kanya na tanging sila lang dalawa ang nakakarinig. "Sa oras na umurong si Kassandra sa kasal niyo sisiguraduhiun kong magdudusa ang mommy mo."

Nanlaki ang mga mata niya at di makapaniwalang tinitigan ang kanyang ama. Rumaragasa ang galit sa kanyang dibdib pero wala siyangb magawa. Dahil ano ba ang kayang niyang gawin? Narito ang lahat ng pera at kontrol. Kayang kaya nitong gawin ang anuman ang naisin nito. Napayuko siya at walang nagawa kundi ang ikuyom ang kanyang mga kamay.

UMALIS na ang mga magulang niya at kasama ng mga ito si Kassandra. Naiwan siya sa labas ng ICU at iniintay na lumabas ang docor. Halos tatlong oras na ang nakalipas pero wala pa rin siyang balita kay Charito. 

Naihilamos niya ang mga palad sa kamay. Kasalanana itong lahat ni Kassandra. Nagtatagis amng bagang niya habang naiisip ang ginawa nito kay Charito. Kung hindi siya agad dumating baka hindi na sniya naabutang buhay ang huli.

"Mr. Sandoval," tawag ng doctor sa kanya.

Agad naman siyang tumayo at nilapitan ito. "Kamusta ang mag-ina ko doc?" tanong niya. May kung anong humaplos sa puso niya ng banggitin niy ang salitang mag-ina.

"The patient is stable but the baby hasn't make it, Mr. Sandoval. I'm very sorry," anito. tinapik pa nito ang balikat niya.

Umigting naman ang kanyang panga dahil sa narinig. Nanghihina ang mga tuhod na napaupo na lang siya . 

Para siyang mabibingi. Ni hindi na niya napansin ang pagppaalam ng dictor sa kanya. Nanginginig ang kanyang kamay at lumalabo ang kanyang paningin hanggang sa pumatak ang mga luha na tumatabing sa kanyang mga mata.

Nawlaa ang anak niya. Iilang oras pa lamng niyang nalalaman na may anak siya ngunit binawi rin agad sa kanya. 

"Fuck..." Yumugyog ang kanyang mga balikat dahil sa paghagulgol.

Nang mailipat  na nang silid si Charito ay pinuntahan niya ito pero tulog pa rin ito hanggang ngayon. Maputla ito, may sugat sa gilid ng labi at may bukol sa noo.

Yumuko siya at hinalikan sa noo ang babae. Kung may bdapat sisishin sa nangyayari dito siya iyon. Dinala niya si Charito sa ganitong sitwasyon.

"Anak..." tawag nang kayang ina na kakapasok lang sa loob ng silid. Nilapitan siya nito at hinawakan sa balikat. "Umuwi ka muna para makapag--"

UntamedWhere stories live. Discover now