Part 16

162 6 3
                                    

Charito's POV

"Babe." nakangiting anito kay Ethan na ikinakunot ng noo niya. Lalo na ng bawiin ni Ethan ang braso nito sa baba para iakbay iyon sa balikat nito.

Napaling ang mga mata niya sa babae, maganda ito, napakakinis ng kutis, may mahaba at alon-alon itong buhok, maliit at hugis puso ang mukha ng babae, napakaganda nito, mukha itong manika, ang mga mata ay kagaya ng kay Honoracio.

Sa suot at kutis nito alam niya na hindi basta basta ang pamilyang pinagmulan nito. Parang nais niyang manliit. Mukhang ni hindi siya napansin ng babae. Bakit nga nama mapapansin g kagaya nito ang katulad niya. Mukhang siyang basahan kung ikukumpara dito.

"S-Sino siya?" hinidi niya napigilang itanong. Nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi ng tumaas ang kilay sa kanya ng babae, tila ngayon lang siya nito napuna.

"She's Kassandra," sagot ni Ethan. "My fiancee," dagdag nito na nagpabingi sa kanya.

Malakas siyang napasinghap dahil sa sinabi ni Ethan.

"F-Fiancee?" ulit niyang tanong. Nabibingi na ata siya.

"Yes, and who are you?" si Kassandra ang nagtanong sa kanya. Mukhang natatawa ito habang hinahagod siya ng tingin at ng mga oras na iyon alam niyang kinamumuhian niya ang dalaga.

"She's nothing," si Ethan ang sumagot.

Lumipad naman ang mga mata niya sa binata. Nothing? Pagkatapos niyang ibigay rito ang sarili niya, nothing na siya ngayon? Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Ethan. At mas masakit pala dahil nagagawa nitong makipagtitigan sa kanya ng diretso sa mga mata habag sinasabing wala lang siya rito.

Naikuyom niya ang mga kamao sa galit na umahon sa kanya.

"Don't tell me pinatulan mo ang isang kagaya niya? God, Ethan, alam ko naman na hilig mong maghanap g pampalipas oras kapag wala ako pero this one? Masyado mong ibinaba ang level mo, babe, I'm so disappointed in you, Ethan Sandoval," nakataas ang kilay na anito kay Ethan. hindi galit ang tono ng boses nito, tila pa nga ito nanunudyo at nang-aasar.

Napayuko siya pinigil niya ang sarilig murahin ito.

"Let's go, Kass," aya rito ni Ethan. iniwan na siya ng dalawa na parang isang bagay a walang halaga. Ni hindi na siya niligon ng mga ito. Lalo na si Ethan.

Kill them... Bulong ng isang tinig sa isip niya. Kill them, little charie... they hurt you...

"No..." tanggi niya. Nayakap niya ang sarili sa kilabot na kanyang nararamdaman.

Stupid!

Napasinghap siya at biglang napapitlag ng may humawak sa balikat niya. Nang lingunin niya ito nakita niya si Honoracio na nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"Are you okay?" tanong nito.

Para nmana siyang nakakita ng kakampi. Mabilis niyang niyakap si Honoracio. Para siyang batang nagsumiksik sa dibdib nito. hindi lang siya nasasaktan dahil sa nalaman kundi natatakot rin siya sa mga tinig na naririnig niya.

Naramdaman niya namang humigpit rin ang yakap sa kanya ni Honoracio. hinimas-himas pa nito ang likod niya para pakalmahin siya.

--

"You okay now?" tanong nito sa kanya ni Honoracio. Dinala siya nito s akotse nito at nagmaneho sila. Pareho silang hindi pumasok sa kani-kanilang klasw.

"I'm sorry, pati ikaw tuloy hindi ka na nakapasok," hinging paumanhin niya rito matapos niyang abutin ang mineral na iniaabot nito sa kanya.

tumabi sa kanya si Honoracio. Kanina pa ito hindi nagtatanong na ikinapagpapasalamat niya. nahihiya kasi siyang umamin dito.

UntamedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant