Part 17

148 6 2
                                    

Charito's POV

Nag-stay na muna siay sa canteen at hindi na pumasok sa last period niya kahit aabot pa siya. Hinintay niya na lang na mag-bell saka nagtungo sa parking. Doon niya hinintay si Honoracio.

Nauna na siya sa kotse nito. Kinakabahan siya at hindi mapakali. Para siyang batang takot na mabuko sa kasalanang nagawa.

Alam niyang magagalit sa kanya si Honoracio kapag nalaman nito na nakipagbalikan siya kay Ethan, at hindi lang yon. Pumayag siyang balikan si Ethan kahit pa may fiancee ito.

"Pinuntahan kita sa room mo pero di ka raw pumasok?" nakakunot ang noo na tanong sa kanya ni Honoracio. 

Pinigil niya ang sarili na iiwas ang mga mata rito.

"G-Galing ako sa clinic..." aniya. Abo't abot ang dagundong ng puso niya. She hated herself for lying to the man who always there for her.Pero wala siyang choice. "Sumama kasi ang pakiramdam ko, pupuntahan nga sana kita e, kaso naisip ko na baka may exam kayo. Nabanggit mo nung nakaraan na magre-review ka di ba?" kinakabahang paliwanag niya. Hindi niya mapigilan ag sarili na pahabain ang rason niya. Sabi nga nila mas mahabang paliwanag mas kapani-paniwala.

Napalitan naman nang pag-aalala ang kanina'y pagtataka ni Honoracio. Napabilis ang paghakbang nito papalapit s akanya at nag-aalalang sinalat ang kanyang leeg. Lalo naman siyang nakakaramdam ng pagkakonsensiya sa nakitang pag-aalala nito.

"You should have seek for me, kahit sana nag-utos ka na lang. Alam mo naman na kahit ano ang ginagawa ko pupuntahan kita," anito.

Napatitig naman siya kay Honoracio. Seryoso ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Kahit na nalaman nitong nag-break na sila ni Ethan hindi na uli ito nagbanggit tungkol sa nararamdaman nito sa kanya. Pero ang pag-aalaga at pag-aasikaso nito ay naroroon pa rin hindi nagbago bagkus ay mas lalo pa itong naging maalaga sa kanya. Ipinaramdam nito na espesyal siya. Sa tingin nga niya ay sinadya nitong hindi magbaggit ng kahit na ano at hinahayaan lang siyang maghilom.

At sobtang na-a-appriciate niya iyon, sobra-sobra.

"Ayos naman na ako ngayon. Siguro'y napagod lang ako dahil gabi na kami natapos maglaba ni Lola kagabi," nakayukong aniya hindi niya magawang magsinungaling nang nakatingin sa mga mata nito. Hindi kaya ng konsensiya niya.

"Ang mabuti pa umuwi na tayo para makapagpahinga  ka na."

--

HALOS isang linggo nang palihim silang nagkikita ni Ethan. Madalas na hindi niya pasukan ang last period niya at suma-sama siya kay Ethan sa bachelor's pad nito.

"Ano bang nagyayari sa 'yo, Cha, bakit lagi mong hindi pinapasukan ang last period? Nagtataka na si Sir at hinahanap ka. Nagbanta nga siya na ido-drop ka na. Saan ka ba nagpupupunta ha?" tanong ni Melody sa kanya ng ma-corner siya nito. Iniiwasan niya kasi ito dahil alam niyang tatanungin at tatanungin siya nito.

Nag-iwas siya ng mga mata at hidni ito pinansi. Balak niya sana itong lampasan pero hinila nito ang braso niya.

"Charito--"

"Puwede ba!" singhal niya rito na ikinagulat nito. Miski siya pero hindi niya ipinahalata. Sumusurot sa kanya ang ginawa niyang pagsigaw kay Melody lalo na nang makita ang pagkapahiya at sakit na bumalatay sa maganda nitong mukha. "I-I'm sorry..." aniya saka tinalikuran na ito.

Kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilin ang luha na nagbabadya sa kanyang mga mata. Ayaw niyang saktan ito pati na rin si Honoracio pero hindi niya mapigil ang puso na gawin ang gusto niya kahit nakakasakit na siya, kahit pa napapabayaan na niya ang pag-aaral niya.

Hindi niya kayang bitawan ang kung ano man ang meron sila ni Ethan.

Lumabas siya ng campus a sumakay ng taxi para magpahatid sa bachelor's pad ni Ethan. May usapan sila na pupuntahan niya ito. Hindi aksi ito nakapasok dahil masama raw ang pakiramdam nito. Dumaan pa siya sa coffee shop na nasa ibaba ng bachelor's pad nito. Bumili siya ng mga pastry coffee para dito.

UntamedWhere stories live. Discover now