Part 4

219 16 1
                                    

Charito's POV

Mabilis niyang nilikom ang mga gamit. Bell na at huling klase niya na iyon para sa araw na ito. Kinakailangan na niyang umuwi ng maaga para tulungan ang kanyang Lola na maghanda ng hapunan. Ngayon raw ang dating ng mga magulang ni Honoracio kaya umaga pa lang ay abala na sa mansion ng mga De'Marco.

"Sorry," hinging paumanhin niya ng may makabungguan siya sa may pintuan. Nalaglag ang mga libro niya. Akma niya iyong pupulutin ng may sumipa roon. Umangat nag paa niya mula sa paang sumipa sa libro niya.

Mga nakangising mukha nina Angelique at Janice ang nabungaran niya. Hindi na lang siya kumibo at kinuha ang mga gamit niyang nalaglag. Nakayuko siyang tumayo. Balak niya sanang lampasan na ang mga ito ngunit hinarang siya ni Janice. Itinulak nito ang balikat niya kaya wala siyang nagawa kundi mapaatras.

"A-ano bang kailangan niyo?" tanong niya sa mga ito. Hindi siya nagtatangkang salubungin ang mga mata ng mga ito sa takot na mas lalong magalit nag mga ito sa kanya.

Naghagikgikan na naman ang mga ito. Napabiling na lang siya nang hamapasin siya sa may bandang tenga ni Angelique ng librong hawak nito. Humigpit ang yakap niya sa mga libro niya. Pigil-pigil ang pag-alpas ng luha.

Isa sa mga bagay na tinutulan niya noon ay ang pag-transfer sa kanya ni Mrs. De'Marco dito sa Westwood. Malayo ang mundong ito sa mundong pinanggalingan niya. At araw-araw iyong pinamumukha sa kanya ng mga classmate niya.

Gusto niya mang umalis at lumipat sa pampublikong eskwelahan ayaw naman siyang payagan ng kanyang Lola Jesusa. Pangarap nitong makapagtapos siya ng pag-aaral sa isang magandang eskuwelahan. Kaya kahit kalbaryo sa kanya ang pagpasok dito'y tinitiis niya.

Pumikit na lang siya at naghintay nang muli sana siyang hahampasin ni Angelique ng may kamay na pumigil sa braso nito. Nakarinig siya ng pagsinghap. Naglakas naman siya ng loob nadumilat at tignan ang nangyayari. Nakita niya ang likod ng isang lalaki na nasa harapan niya at ngayon ay sinasanggalang ang pananakit ni Angelique at Janice sa kanya.

"Alam niyo bang maaari kayong ma-expelled dahil sa ginagawa niyo?" ani ng baritong tinig.

Napasulyap siya sa kaliwa niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita sa di kalayuan si Alfonso Altierra at Sylvo Moretti na tila bored na pinanonood sila.

Anong ginagawa nila rito?

"Are you okay?"

Napatingin siya sa nagtanong. It's Ethan Sandoval, ang kaibigan ni Honoracio. Nasalo niya ang magkahalong asul at berdeng mga mata nito na matiim na nakatingin sa kanya.

Anong ginagawa niya rito? Napakurap-kurap siya nang tumaas ang kamay nito at hamplusin ang pisngi niyang tiyak na namumula ng mga oras na iyon.

"Lagi ka bang pinag-iinitan ng mga iyon?" tanong nito sa kanya. May galit sa mga mata nio ngunit kabaligtaran iyon ng lambing ng boses nito. Tila sinusuyo siya ng malumanay nitong pagsasalita.

Napalunok niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya dahil parang naumid ang dila niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa mukha nito. Hindi niya rin napansin na kanina pa pala niya pinipigil ang paghinga.

---

UntamedWhere stories live. Discover now