Part 18

200 6 0
                                    

Charito's POV



KINABUKASAN maaga siyang nagising kumuha siya ng fresh milk sa ref sa loob ng mansion g mga De'Marco palihim niya iyong ipinuslit papunta sa barracks nila. Ginamit niya iyong panghilamos para kahit papaano ay mabawasan ang stress sa balat niya. Kumuha rin lang siya ng isang wheat bread. Nagtagal siya sa banyo na karaniwang hindi namn niya ginagawa. Binuksan niya rin ang isa sa mga imported na sabon na ibinigay sa kanya ni Honoracio ng minsang sumama ito sa Mommy nito na magpunta sa france. Maging ang pabango na rigalo rin ng binata sa kanya. Hindi niya pa iyon ginagamit dahil nanghihinayang siya ng malaman ang presyo non. Pero ngayon kinakailangan niya iyon.

"Kay bago mo, apo, yan ba yung binigay ni Honoracio sa 'yo?" bati ng lola niya sa kanya ng pumasok siya sa kusin apara tumulong sa paghahain. Sinadya niyang magpahuli ng ilang minuto para kaunti na lang ang gagawin niya at hindi siya gaanong pawisan.

"Oho, nalaman niyo, lola?" manghang tanong niya. Iba talaga ang mga pabango ng mga mayayaman.

"Ay oo naman!" natatawang ani ng Lola niya. "Akala ko'y bubulukin mo na iyan sa kabinet mo."

Ngiti lang ang isinagot niya rito. Nagtungo na siya sa komedor dala ang perculator. Si Mr De'Marco ang naabutan niya roon wala pa ang mag-ina. Agad na umangat ang mga mata nito nang maramdaman ang presensiya niya. Hinagod siya nito ng tingin, gusto niyang mailang ngunit wala naman siyang makitang malisya sa mga mata nito kagaya ng ibang lalaki na humahagod ng tingin sa kanya kapag dumaraan siya.

Tahimik na nilapitan niya ito at sinalinan ng kape ang tasa nito saka tumayo sa gilid para antayin ang anumang ipag-uutos nito. Ganoon ang trabaho niya sa umaga. Sa weekend naman ay tumutulong siya s amga labada at paglilinis ng buong kabahayan.

Mayamaya pa bumaba na rin si Mrs De'Marco kasunod nito ang anak na si Honoracio na agad na ngumiti sa kanya nang makita siya. Simple niya lang rin itong nginitian.

Wala nang imikan ang mag-anak pagkatapos magbatian.

Matapos ng agahan ay muli na siyang nagbalik sa barracks nila para i-retouch ang lipstick na nilagay niya. Medyo maputla kasi ang labi niya kaya naisipan niyang maglagay ng manipis na lipstick. Kulay pula ang kulay niyon kaya hindi niya masyadong kinapalan.

"You look radiant today, Charito," puri sa kanya ni Honoracio ng makasakay siya sa kotse nito. Mabilis naman na namula ang mukha niya sa papuri ng binata sa kanya.

"Magtigil ka nga," nahihiyang saway niya rito na tinawanan naman nito pero pagkuwan ay nakita niya ang dumaang lungkot sa mga maya ni Honoracio bago nito pinaandar ang makina ng kotse nito.

"I just hope na ako ang pinagpapagandahan mo ng ganyan..." may lungkot sa tginig na anito.

"Honoracio..." saway niya rito. Nasasaktan siya na ganito ito.

Bigla itong tumawa at ginulo ang buhok niya. "I'm a big man now. Don't worry," anito.

Kahit nakatawa ito dama niya pa rin ang lungkot nito. Puwede nga lang na sabihan niya ang puso niya na ito na lang piliin ginawa na niya. Nakarating sila sa school. Magkapanabay silang naglakad ni Honoracio. kinakabahan siya at panay ang ayos sa buhok at palda niya. Panay rin ang tingin niya sa paligid. May partikular na hinahanap ang kanyang mga mata.

Natigilan siya nang makasalubong niya ng tingin si Melody. Bumuka ang bibig niya para batiin ang kaibigan pero umiwas ito ng tingin at lumiko paiwas sa kanila. Nakaramdam siya ng lungkot sa ginawa nito. Marahil galit pa rin ito dahil sa ginawa niyang pagsinghal rito. Napabuntong hininga na lang siya.

"Nagkatampuhan ba kayong dalawa?" tanong ni Honoracio na nakasunod rin ang tingin kay Melody.

Malungkot siyang tumango.

UntamedWhere stories live. Discover now