Part 14

127 5 1
                                    

Charito's POV

Pagkatapos ng tanghalian ay saglit lang silang nagpahinga. May activity silang gagawin at ang daming umungol ng malaman ng mga ito na kailangan nilang hanapin ang mga halaman na nasa bond paper na ibinigay sa kanila. Kailangan nilang malaman kung ano ang texture ng mga ito. With pair ang paghahanap at sa loob lang ng perimeter na ibinigaya sa kanila. Ka-partner niya si Shanon.

"I thought it's only just a camping trip, you know, bon fire, kuwentuhan etc." Bumuntong hininga ito. "I didn't expect na may mga ganito pang activities," nakalabing reklamo nito. \

Napangiti na lang siya sa hinaing nito. Hindi na siya nagkomento dahil kabaliktaran nito enjoy na enjoy siya.

"Sumama lang naman ako dahil sumama si Ethan Sandoval pero kainis lang dahil meron an siyang apple of the eye," anito. Makahulugang nakangiti sa kanya.

Nag-iwas naman siya ng paningin at nagkuwaring hindi ito narinig. Pero makulit si Shanon. Kumapit pa ito s abraso niya.

"Kayo na ba?"tanong nito.

"Huh?"

"Ito naman..." Tumawa ito. "Ni Ethan, halata naman na binabakuran ka niya. Kanina nga lang na nagpalit ng ka-buddy sa yo agad siya lumapit. You seem especial to him. So anong level niyo na ba, fuck buddies?" prangkang tanong nito.

Mabait naman si Shanon kaso'y hindi na niya nagugustuhan ang mga sinasabi nito sa kanya. Hindi magandang pakinggan.

"No," malamig niyang sagot. "Hayun kamukha nitong piapahanap sa atin," aniy sabay turo sa isang halaman na kahawig ng nasa hawak nilang papel.

Nahagip naman ng mga mata niya ang pag-irap ni Shanon dahil sa hindi niya pagpansin sa tanong nito.

Bandang alas singko ng hapon ng utusan na namang kumuha ng mga kahoy ang mga kalalakihan. Siya naman ay natoka sa pagsasaing. Ang kaso naubusan na ng tubig ang container nila. Hinanap ng mga mata niya si Mr. Fuentebella para tanungin kung saan nakalagay ang mga containers na may lamang tubig.

"Hinahanap mo ang mga tubig?" tanong ni Shanon sa kanya.

Ngumiti naman siya rito. "Oo, ubos na kasi yung ginamit kanina."

"Naku wala ng tubig sabi ni Sir, pero may batis raw na nasa likod ng gubat na yan sabi ni Sir kanina. Bilin niya na kapag nangailangan ng pansaig ay tumungo na lang doon, gusto mo samahan kita?"

Napatingin siya sa gubat na tinutukoy nito. Hindi niya pa nararating ang gawi na iyon kanina.

"Pero baka hanapin nila tayo saka baka maligaw tayo?" nag-aalangang aniya.

"Ano ka ba, napuntahan ko na yu kaina malinaw ang trail papunta ron for sure hindi tayo maliligaw. Saka utos yun ni Sir. Hindi ka ba naniniwala sa akin?" nagtatampong tanong nito.

Nataranta naman siya. "Hindi namas a ganon--"

"Halika na." Hinila siya nito. "Akina tulungan na kita riyan," anito at kinuha ang kaldero sa kanila. Niligon niya nag mga kasamahan nila. Abala ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa. Bumuntong hiniga na lang siya at sumama kay Shanon.

Pumasok sila sa gubat. May trail nga roon.

"Malapit lang ba?" tanong niya kay Shanon dahil ilang minuto na rin silang naglalakad. Natatakot siya na baka abutan sila ng dilim.

"Malapit na," anito.

Nilingon niya ang dinaanan nila kita pa rin niya ang trail kung tititigang mabuti. Medyo nakakalimto kasi dahil sa pare-pareho ang puno roon, ang mga taas at taba ng mga ito.

"Kailangan na siguro nating bilisan baka abutan tayo ng dilim," aniya rito.

Huminto naman si Shanon. May kakaibang ngiti itong humarap sa kanya.

UntamedWhere stories live. Discover now