Part 9

156 11 1
                                    

Honoracio's POV

Gustong mapaungol ni Honoracio sa sitwasyon niya. Dahil sa pagnanais ni Charito na umalis sa ibabaw niya ay mas lalo lang napapadiin ang malambot na katawan nito sa katawan niya.

Hindi siguro napapansin ni Charito pero kanina pa nababangga ng puson nito ang pagkalalaki niya. Hindi niya magawang itago ang reaksiyon ng katawan niya sa katawan nitong nakalapat sa kanya.

She was so soft and delicate, she smelled good too. No man in the right mind could not get a hard on at this state.

"Please don't move..." muli niyang bulong dito. Paos na ang boses niya. Nakakaramdam ng panunuyo ang lalamunan niya habang nakatitig sa mapupulang mga labi ni Charito. Napalunok siya. Her lips is full and luscious. "Charito..." anas niya para siyang kakapusin ng paghinga habang hindi magawang mapagkit ang mga mata sa dalaga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa beywang ni Charito. Iniimagine niya kung ano ang pakiramdam ang mahalikan ng mga labi nito. Gusto niyang malaman kung tama ba ang naiisip niya na napakalambot niyon. Matikman ang lasa.

"Honoracio... b-bitiwan mo na ako para--"

Hindi na naituloy ni Charito ang mga sa sabihin dahil kinabig na niya ang batok nito at sinalubong ng halik ang mga labi nitong bahagyang nakaawang. Napapikit siya ng dumampi ang labi niya sa labi nito napakalambot niyon. Parang bulak at napakatamis ng labi nito. Hindi na niya napansin na lumapat na sa dibdib niya ang mga palad ni Charito para ilayo ang sarili rito. Sinamantala naman niya ang pagkakaawang ng labi nito ipinasok niya ang dila sa loob ng bibig nito. Gianlugad at nilasahan iyon. Napaungol na lang siya ng maramdamang gumaganti na rin ito sa mapusok niyang halik. Para nang mapipigtal ang kanyang paghinga ngunit hindi niya magawang tigilan at ang paghalik dito.

"Honoracio..." dinig niyang ungol ni Charito nagsilbi iyong musika sa tainga niya.

"Honaracio!" anito. Malakas na at tila nagpapanik. Naramdaman niya ring may yumuyugyog sa balikat niya.

Nagtaka siya dahil bigla hindi na niya maramdaman ang malambot na labi ni Charito.

"Huy Honoracio..."

Nagmulat si Honoracio ng mga mata. Napapikit-pikit siya. Mukha ni Charito ang una niyang nakita pagmulat ng kanyang mga mata. Nakakunot ang noo nito at bakas ang pag-aalala sa maamong mukha nito. Matagal siyang napatitig kay Charito. Nakasalampak na ito ng upo sa gilid niya habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang balikat niya at marahang yumuyugyog doon.

"May masakit ba sa 'yo? Nabagok ka ba? Kanina ka pa nakapikit at umuungol na parang nasakatan," anito.

Tulala naman siya. Saglit na hindi maunawaan ang mga nangyayari hanggang sa unti-unting luminaw sa kanya. Nag-init ang kanyang mukha at mabilis siyang bumangon. Imahinasyon lamang ang halik na pinahsaluhan nila. Sihuro'y sa sobrang pagkanais niyang madama ang labi nito ay nag-halucinate na siya. O kaya naman, marahil ay nabagok ang ulo niya ng hindi niya napapansin.

Kahiya-hiya siya. Mabilis siyang bumangon lalo na ng mapansin ang tent sa tuwalya na taning saplot niya sa katawan.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala pa ring tanong ni Charito. "Sorry hindi ko kasi alam na naririto ka pa, kaya basta na lang akong pumasok para kuhanin ang mga laundry mo."

Napapahiya siyang napakamot sa noo niya. "A-ayos lang ako." Hindi siya makatingin dito nang maayos.

"Halika tutulungan kita," anito. Hinawakan ang balikat niya at inalalayan siyang makatayo. Nakatingin lamang ito sa mukha niya iniiwasang mapayuko dahil sa ayos niya.

Tumikhim siya. "A-Ako na ang maglalabas ng mga laundry ko," aniya.

tumango naman si Charito. Iwas pa rin ang mga mata na lumabas ito ng banyo. Napamura na lang siya at sinarado ang pintuan ng banyo niya. Muli niyang tinanggal ang tuwalya niya sa muling nagtungo sa ilalim ng shower.

UntamedWhere stories live. Discover now