Part 8

181 11 1
                                    

Charito's POV

"Ako na po rito, Lola. Magpahinga na ho kayo," nakangiting ani Charito sa Lola niya ng muli itong humikab.

Alam niyang pagod ito sa pag-aasikaso sa buong kabahayan. Ito na rin kasi ang tumatayong mayordoma ng mga De'Marco bukod pa sa ito ang ipinamamahala sa kusina. At kapag ganitong bagong dating ang mag-asawa galing sa kung saan mang business trip ng mga ito ay nadodoble ang gawain ng lola niya.

"Oh, siya sige. Masakit na nga rin ang balakang ko. Maiwan na kita diyan ha? Sumunod ka na lang pagkatapos mo diyan," anito. Ibinaba na nito ang hinubad nitong apron sa mesa.

Ngumuti naman siya at tumango. Kinuha niya ang iniwang gawain ng Lola niya at siya na ang nagpatuloy.

Magtatatlong taon na siya sa mansion ng mga De'Marco. Kinuha siya ng Lola niya para makapag-aral siya ng kolehiyo. Mukhang wala kasing balak ang ina niya na makatuntong siya sa college. Ang ama naman niya na anak ng Lola niya ay matagal ng pumanaw. Nag-iisa lang din siyang anak.

Maayos naman ang pamumuhay niya rito. Nakakapag-aral siya ay na tutulungan niya pa ang Lola niya.

"Charito..."

Napapitlag siya sa gulat. Sa lalim ng iniisip niya hindi na niya napansin na may nakatayo na pala sa pintuan ng kusina. Nakatayo roon si Don Javier De'Marco, ang ama ni Honoracio.

"M-Magandang gabi ho, Don Javier. May ipag-uutos ho ba kayo?" natatarantang tanong niya. Bagamat mabait naman ang mga amo nila alam naman niyang mababa ang tingin ng mga ito sa kagaya nila. Hindi man direktang pinagsasalitaan sila ng mga ito nababasa naman niya iyon sa mga mata ng mga ito. Kaya madalas - kagaya ngayon - na nakayuko siya at hindi magawang salubungin ng tingin ang amo.

Takot at pagkailang ang nararamdaman niya kapag ito ang kaharap. Iba kasi ito kung tumitig tila ba binabasa ang buong pagkatao niya. Tila nakikita nito ang kaloob-loob niya at sinusukat ang pagkatao niya.

Nakakapanliit noong una ngunit nakakasanayan niya na rin naman. Malaking tulong rin na iba ang pakikitungo sa kanila ni Honoracio. Iba ang kaibigan sa mga magulang nito. Walang halong pangmamaliit ang mga tingin nito at laging may palakaibigang ngiti sa sa mga labi. Naalala niya noong unang tuntonv niya rito sa mansion at unang nakaharap si Honoracio.

"Manang Jesusa!" ani ng tinig na papasok sa kusina.

Bahagya namang nataranta si Charito. Wala ang Lola niya, kasama ito ni Mila na nagtungo sa palengke. Kakarating niya lang dito ng nakaraang gabi.

Kinakabahan siya sa pintuan ng kusina kung saan naanggaling ang boses na tumatawag sa Lola niya. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang isang lalaki na nakasuot ng puting v-neck t-shirt at asul na jersey short na may numerong 08 sa kanan ng hita. Pawis na pawis ito. May hawak na bola na pinaglalaruan nito sa palad.

Bumakas ang gulat sa mukha nito. Sa tingin niya'y hindi naman nalalayo ang edad niya sa edad nito. Matangkad ito, malapad ang mga balikat na halatang batak sa sports. Na malamang ay basketball.

Matangos ang pinong ilong nito. May gitla ang baba, makakapal ang kilay at mahahaba ang mga pilikmata na tumatabing sa kulay tsokolate nitong mga mata.

UntamedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz