Chapter 15 - Friendship Accepted

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang harsh niya diba? Akala mo kung sinong sexy? Hindi pa siya nakuntento sa pagbabasa. Hinalungkat pa ang iba sa mga nalukot na papel.

"Wala na bang kasunod?"

"Wala na. Hanggang don pa lang nagagawa ko. Hindi kasi ako makapag-isip masyado simula nang nagkasakit ako."

"Ah gano'n ba? Pa'no yan hindi mo pala ko matuturuan?"

"Ah pag-iisipan ko pa.",

"Wow at pag-iisipan mo pa talaga?! E kung singilin ko kaya 'yung mga ginawa kong pagtulong sa'yo?", ang may pagkasarkastiko niyang sagot sa'kin.

"Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Syempre ikaw pa. Madali lang naman. Just start it with the basics, rhyming words lang katapat niyan. Like 'yang first stanza diyan sa ginawa ko."

"Ah..."

Sows, maliit na bagay. Manghang-mangha na kaga'd si Armalite girl.

"Pero sabi nga ni Bb. Centeno, take it from your experience; from what you feel, from what you've felt or from what you wanna feel."

"Teka lang naman Ben TIYAN, diba Filipino 'tong subject natin, ba't ka English ng English? Hay! Ang sakit mo sa bangs. Imbis na pagaanin ang buhay ko."

"So gusto mo bang itranslate ko?"

"Nang-iinsulto ka ba? Anong akala mo sa'kin hindi ako nakakaintindi ng English? Ah sige, pakiTagalog."

Ano bang nakain nitong Armalite girl na'to? Nakalunok yata ng mic sa lakas ng boses. Kung makasigaw, wagas. Pero ako naman 'tong si utu-uto. Trinanslate ko naman.

"O 'di mas nagets ko! Pero teka may prob..."

"Ano? Wala ka pang first love?", ang putol ko sa kanyang sasabihin.

"Teka lang. 'Wag kang mayabang porket may Ruby ka na diyan."

"Hindi nga? Never pang tumibok yang puso mo?"

"Huh? Eh 'bat ka natatawa? Ang macho mo eh noh, para tawanan ako ng ganyan."

"Hindi nga? Hindi ka pa talaga naiinlove?"

"Hindi pa. Hindi lahat ng maganda may syota. Minsan may kaibigan na mataba."

Wala talagang sawa mang-asar 'tong babaeng 'to. Hindi nauubusan ng annoying lines. Well. Maganda talaga siya. Actually, nakatitig ako sa kanya ngayon. Maganda pa rin siya kahit anong klaseng wacky face pa ang gawin niya. Pero teka, tama ba'tong narinig ko? Minsan may kaibigan na mataba? Ibig sabihin ba nito tinatanggap na niya ang friendship namin. Hindi ko maexplain ang tuwa ko ngayon. Ang saya-saya ko. 'Di ko akalaing si Armalite girl na bungangera at war freak ay magiging kaibigan ko na, officially.

"Oo alam ko maganda ko. 'Wag mo'kong titigan ng ganyan.", ang wika niya nang mapansin niyang iba ang tingin ko sa kanya.

"Ah hindi...

"Hindi ako maganda? Kasi si Ruby lang ang maganda sa paningin mo? OK. Tatanggapin ko 'yan this time."

"Ano kasi, may gusto lang akong itanong sa'yo Beatriz."

"OK. Don't be shy."

"OK na ba sa'yo na maging friend tayo?"

Wala akong sagot na narinig mula sa kanya. Tahimik siya. Ewan ko kung hindi niya lang narinig sa sobrang hina ng pagkakatanong ko o sadyang nagbibingi-bingihan lang siya.

"OK lang ba sa'yo na..."

"May kaibigang mataba?", ang singit niya sa sinasabi ko.

"Am... Feeling ko kasi, wala akong choice. Lagi ka kasing nandiyan, if you know what I mean. Ang disaster mo, parang disaster ko na rin.", ang seryoso niyang wika habang may inilalabas na naman sa kanyang bag na kung ano.

"Gusto mo? Gutom na kasi 'ko kanina pa. Tara kain tayo." ang alok niya sa hawak niyang itlog.

Diyos ko po. Itlog na naman.

Kinuha ko ang tray ng meryenda na ipinasok ni Lola kanina. Napakadami na naman niyang inihanda. As usual, hindi mawawala ang favorite kong burger at fries.

"Teka, bakit ayaw mo ba nitong itlog ko? Mas masustansya kaya yan kesa dito sa burger at fries na'to."

"I know. These are one of the deadly foods."

"O ayun naman pala eh. Gusto mo na bang mamatay?", ang pigil niya sa kamay ko nang kukunin ko na ang burger sa tray.

"Ang tigas ng ulo mong bata ka. Itong itlog ang kainin mo. Believe me ito ang pinakahealthy na food sa buong universe."

"Alam ko. May vitamin B2, B12 at Vitamin D. May selenium and iodine rin kaya isa siya pinakanutritious food sa buong universe mo."

"Ayun naman pala eh. Alam mo naman pala. Wow! Dami palang nakukuha sa itlog no. May Selenium din pala."

"Kinakain mo lagi hindi mo alam?"

"Aba malay ko ba sa history ng itlog na'to! Basta ang sabi lang ng tatay at nanay ko, bukod sa magaan sa bulsa e masustansya 'tong itlog na'to. Pampalakas ng mga kalamnan para sa pagtakbo ko."

Aba. Advocate pala ng itlog 'tong si Armalite girl. Pwede ng maging endorser ng isang dosenang itlog. Pa'no na'to? Pinagpipilitan pa rin niya na kainin ko 'tong itlog na dala niya. Feeling ko kasi ito ang symbol ng friendship namin. At 'pag hindi ko 'to tinanggap, baka magbago ang isip at bigla na lang bawiin ang friendship na wala pang 5 minutes.

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon