Chapter 31: What happened?

19 1 0
                                    

Chapter 31: What happened?

"Liam, Brix, bumalik na kayo sa linya niyo. Kanina pa kayo nakatingin sa mga cellphone niyo. Gusto niyo ba talagang grumaduate?" Tanong ng adviser ng HUMSS 12-A na nakamic pa kina Liam at Brix na nakaupo sa bleachers at nagcecellphone. Tumayo naman silang dalawa at bumalik sa linya ng mga lalaki sa gilid ng stage.

Nasa SHS gym sila para magpractice sa kanilang graduation ceremony. Ang Grade 12 ng HUMSS Department ang nagpapractice dahil sila ang unang maggagraduation ceremony kaysa sa ibang mga strands.

Pagkatapos ng halos dalawang oras na pagpapractice, naupo ang ilang mga estudyante sa mga monoblock chairs na nakalagay sa harap ng stage. Nakaupo rin si Yohann at binabasa ang message ni Zacheous sa kaniya saka ito nireplyan.

(Annoying Z 5:21 P.M.): Tapos na ang practice niyo?

Yeah, ngayon lang. (Yohann 5:21 P.M.)

Bakit? (Yohann 5:21 P.M.)

(Annoying Z 5:21 P.M.): Just asking.

"Yohanne, pinapabigay ni Zacheous." Binaba ni Yohann ang cellphone niya nang marinig ang boses ni Ryle. Nakita niyang may inabot ito na papel kay Yohanne. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa papel.

Binalik naman niya ang tingin sa harap nang biglang mapatingin sa kaniya sina Yohanne at Ryle. Baka kung anong isipin ni Yohanne sa kaniya.

"Okay. Thanks Ryle." Dinig niyang sabi ni Yohanne. Tiningnan ni Yohann ang cellphone niya at nagtype ng message para kay Zacheous.

Anong ginagawa ni Ryle dito sa gym? (Yohann 5:24 P.M.)

(Annoying Z 5:24 P.M.): May pinapamigay lang ako kay Yohanne.

What is it? (Yohann 5:25 P.M.)

(Annoying Z 5:26 P.M.): Sasabihin ko na sa kaniya ang lahat.

Wait, bakit hindi mo sinabi sa akin na ngayon mo gagawin ang plano mo? (Yohann 5:26 P.M.)

(Annoying Z 5:26 P.M.): You know, great things happen when it's unexpected. Trust me on this one Yohann.

What? (Yohann 5:27 P.M.)

Zacheous! (Yohann 5:27 P.M.)

Zach! (Yohann 5:27 P.M.)

Magreply ka. (Yohann 5:27 P.M.)

Pagkatapos ng sunod-sunod na text ni Yohann, wala pa ring reply si Zacheous sa kaniya. Hindi tuloy niya maiwasang kabahan at mag-alala. Hinihiling niya na sana ay maging maayos ang pag-uusap nina Zacheous at Yohanne.

#

Nang makaalis si Ryle ay agad na binuksan ni Yohanne ang papel na binigay nito.

Can you meet me at the STEM department rooftop?

Z

Tinupi ulit ni Yohanne ang papel at tiningnan ang mga kaibigan niya.

"Girls, mauna muna ako." Sabi niya.

"Oyy, may date?" Pang-aasar na tanong ng isang kaibigan niya. Ngumiti lang si Yohanne bilang tugon dahil wala naman siyang ideya kung anong gagawin nila ni Zacheous sa rooftop ng STEM department. Wala siyang ideya kung bakit siya pinapunta du'n.

Tumayo na si Yohanne at dinala ang bag niya saka lumabas ng gym. Naglakad na siya papunta sa STEM department at nakasalubong niya ang ilang mga STEM students na mga kaklase niya dati noong JHS at nginitian niya lang mga 'to.

Umakyat siya sa hagdan hanggang sa rooftop. Pinihit niya ang doorknob ng pinto ng rooftop. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya ang isang lalaki na nakahawak sa railings at nakatingin sa field.

To Yohann (BxB) - EditedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora