Chapter 23: The Gift

33 3 0
                                    

Chapter 23: The Gift

"Anong problema niya?" Mahinang tanong ni Yohann sa sarili niya habang tinitingnan si Zacheous na pabalik-balik na naglalakad sa harap niya. Katatapos lang ng klase nila at bigla nalang siyang hinila ni Zacheous papunta sa pinakamalapit na gift shop. Hindi na siya nakaangal dahil agad na sinabi ni Zacheous na bibili sila ng regalo para sa debut ni Yohanne.

Nakaupo si Yohann sa bench na nasa labas ng shop at tinitingnan si Zacheous. Kanina pa ito palakad-lakad at hindi mapakali. Kanina pa niya tinatanong kung anong problema nito pero hindi ito sumasagot.

"Zacheous, kung wala kang balak pumasok, aalis na ako." Tumayo na si Yohann at akmang maglalakad na paalis. Naging mabilis naman si Zacheous sa paghawak sa kamay ni Yohann. 'Yung wrist lang naman talaga dapat ang hahawakan niya pero hindi niya inasahang ang kamay nito ang mahahawakan niya. Napatingin si Yohann sa mga kamay nila ni Zacheous.

"Pasok na tayo." Sa halip na bitawan ang kamay ni Yohann, naglakad na papasok si Zacheous sa shop habang hawak pa rin ang kamay ni Yohann. Napangiti siya dahil sa hindi inaasahang pagkakataon na mahawakan niya ang kamay ni Yohann at hindi lang isang dampi.

"Teka, 'yung kam - - -." Hindi na natuloy ni Yohann ang sasabihin niya nang tuluyan na siyang hilahin ni Zacheous hanggang sa makapasok na sila sa shop kaya napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Zacheous. Hindi pinansin ni Zacheous ang sinabi ni Yohann hanggang sa naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Yohann.

Ayaw pa niyang bitawan ang kamay ni Yohann pero ayaw niyang makalata ito. Nang makapasok sila sa shop ay labag sa loob niyang binitawan ang kamay ni Yohann at tumikhim.

"Ano ba Zacheous? Baka mahalata ka ni Yohann sa inaakto mo eh. Akala ko ba hindi mo na papansinin ang nararamdaman mo?" Mahinang tanong niya sa sarili niya.

"Anong binubulong-bulong mo diyan?" Dinig niyang tanong ni Yohann. Agad na binalik ni Zacheous ang ngiti sa mga labi niya saka nilingon si Yohann.

"Huh? Wala naman." Sabi ni Zacheous at binigyan si Yohann ng malawak na ngiti. Hindi naman maiwasang ni Yohann na kumunot ang noo niya dahil sa inaakto ni Zacheous. Naweweirduhan siya sa kinikilos nito.

"Okay." Sabi ni Yohann. Naunang naglakad si Yohann kaya nakahinga nang maluwag si Zacheous. Hindi na siya makakilos nang normal sa tuwing kasama niya si Yohann simula nu'ng inamin niya sa sarili niya na gusto niya ito.

"Siguro naman ay may naisip ka ng iregalo kay Yohanne, 'di ba?" Tanong ni Yohann.

"Wala pa nga eh. Tulungan mo ako." Pagsisinungaling pa ni Zacheous. Ang totoo niyan ay may naisip na talaga siya pero hindi niya sinabi kay Yohann para makasama niya ito nang mas matagal.

"Annoying." Sabi ni Yohann at nagtingin-tingin sa mga displays sa shelf na pinuntahan nila. Mga display 'yun ng mga handmade jewelries. Mabuti nalang at du'n napunta si Zacheous dahil alahas talaga ang naisip na iregalo ni Zacheous sa debut ni Yohanne pero kung sasabihin niya agad 'yun kay Yohann, matatapos agad sila, masisira ang plano niya.

"May napili ka na ba? Dito ka pumunta eh." Tanong ulit ni Yohann. Ngumiti lang si Zacheous at lumapit kay Yohann. Pasimple niya itong inakbayan at pareho silang naglakad. Mabuti nalang at hindi umangal si Yohann.

"Wala rito eh. Punta tayo sa ibang shelves." Nakangiting sabi ni Zacheous.

"Tsk. Bigla-bigla ka nalang manghihila, wala ka pa palang plano." Sabi ni Yohann. Mahina namang napatawa si Zacheous sa sinabi ni Yohann.

"Okay lang 'yan." Sabi ni Zacheous.

Naglibot-libot silang dalawa sa loob ng shop at nagtingin-tingin dahil baka may ibang mahanap si Zacheous. Marami silang nahanap na mga bagay na pweding iregalo pero ang nasa isip ni Zacheous ay sa mga jewelry lang. Nakaakbay pa rin siya kay Yohann. Binababa naman ni Yohann ang braso ni Zacheous pero agad din naman itong ibabalik kaya hinayaan nalang niya.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now