Chapter 27: Date and Conversation

24 1 0
                                    

Chapter 27: Date and Conversation

Minulat ni Yohann ang mga mata niya nang marinig niyang nagriring ang cellphone niya. Kinusot niya ang mga mata niya at papikit-pikit na kinuha ang cellphone niya sa side table ng kama niya.

Annoying Z calling... Accept | Reject.

Muli siyang napahiga sa kama niya at sinagot ang tawag.

"Too early to annoy me." Sabi ni Yohann habang nakapikit. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Zacheous.

("Anong early? 9:00 A.M. na.") Natatawang sabi ni Zacheous.

"Whatever. Anong kailangan mo?" Gumilid si Yohann at pinatong ang cellphone sa tainga niya. Inangat niya ang kumot niya.

("Huwag mo akong tulugan. Alam kong nakahiga ka pa rin.")

"I'm just closing my eyes but I'm still listening. Just tell me what you want so I can go back to my sleep." Sabi ni Yohann dahil inaantok pa rin siya pero ayaw niyang maging bastos at hindi pansinin si Zacheous.

("Labas tayo.")

"Tinatamad ako."

("Tara na labas tayo. First time kong mag-aya sa 'yong lumabas na walang ibang ipapagawa. Gusto kitang makasama eh.") Napabuntong-hininga si Yohann saka nagmulat. Kinuha niya ang cellphone niya at humiga nang maayos.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Seryosong tanong ni Yohann. Nang marinig niyang gustong mag-aya ni Zacheous na lumabas, agad na pumasok sa isip niya na magpapatulong na naman itong bumili ng ibibigay kay Yohanne kaya sinabi niyang tinatamad siya pero nang sinabi nitong gusto ni Zacheous na makasama siya, biglang lumandag ang puso niya.

("Oo naman. Gusto mong pumunta ako diyan?")

"Huwag!" Napaupo si Yohann sa kama niya dahil sa sinabi ni Zacheous. Ayaw niyang makita silang dalawa ni Yohanne at baka magtaka ito.

("Okay. Kita tayo sa mall.") Nakahinga nang maluwag si Yohann nang hindi na ipilit ni Zacheous ang gusto niya.

"Fine." Sabi ni Yohann. Natahimik silang dalawa. Kumunot ang noo ni Yohann nang hindi na nagsalita si Zacheous. Tiningnan niya ang cellphone niya at nakitang on-going pa ang tawag. Pinakinggan niya ang kabilang linya at tanging paghinga lang ni Zacheous ang naririnig niya.

"Zach - - -."

("I...")

Kumunot ang noo ni Yohann nang marinig niya ang end tone sa cellphone niya. Biglang pinutol ni Zacheous ang tawag.

"Baliw ba siya?" Tanong ni Yohann sa sarili niya habang nakatingin sa cellphone niya.

#

Lumabas si Yohann sa kwarto niya at nakahanda ng umalis. Dumaan siya sa kwarto ni Yohanne at kinatok ito. Hindi nagtagal ay bumukas ito at bumungad sa kaniya si Yohann na may dalang ballpen at papel.

"Aalis ako ngayon." Sabi niya kay Yohanne. Tiningnan niya ang kabuuan ni Yohanne at nakitang basa ang mga buhok nito at nakapambahay lang.

"Saan ka?"

"Sa mall lang. Patuyuin mo nga 'yang buhok mo."

"Matutuyo rin 'yan. Tatapusin ko lang ang report ko." Sabi ni Yohanne.

"Okay. Mauna na ako." Sabi ni Yohann.

"Pasalubong hah?" Nakangiting sabi ni Yohanne na ikinangiti rin ni Yohann. Tumango lang siya at kumaway kay Yohanne. Bumaba na siya at dumiretso sa labas ng bahay.

"Sa mall po tayo manong."

"Okay po Sir Yohann." Tinext niya si Zacheous na papunta na siya.

(Annoying Z 9:58 A.M.: Ingat ka. :)) Reply ni Zacheous sa text niya. Binalik niya sa bulsa niya ang cellphone at hinintay na dumating sila sa mall.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now