Chapter 14: Date

41 6 0
                                    

Chapter 14: Date

"Yohann, anong mas magandang suotin?" Hawak ni Yohanne ang dalawang dress, isang purple knee-length puffed-sleeves fitted dress at isang floral thigh-length off-shoulders dress. Nakaharap siya sa salamin habang pinapalit-palit kung anong mas gusto niyang suotin.

Napabuntong-hininga naman si Yohann at itinukod ang dalawang kamay niya sa kama ni Yohanne. Bored niyang tinitingnan si Yohanne at ang ilang mga dress na nakalatag sa sofa. Hindi niya alam kung saan papunta si Yohanne at inabala pa siyang pumunta sa kwarto nito.

"Ano namang alam ko sa mga dress na 'yan? Bahala ka na. Maganda ka naman kahit anong suotin mo eh." 'Yun nalang ang sinabi niya dahil sa nakikita niya ay bagay naman kay Yohanne ang kahit na anong damit.

"'Yan din kaya ang sasabihin ni Zacheous 'pag nakita niya ako?" Tanong ni Yohanne sa sarili niya habang nakatingin sa salamin. Napaayos naman ng upo si Yohann nang marinig ang huling sinabi ni Yohanne.

"Magkikita kayo?" Tanong ni Yohann kay Yohanne. Tiningnan niya ang repleksyon nito at tinanguan siya bilang sagot.

"Yup. He promised me a date. Magkikita kami sa mall." Kinikilig na sabi ni Yohanne saka iniisway pa ang damit sa harap niya.

"Ito na lang." Pinili ni Yohanne ang off-shoulders na dress saka pumasok sa walk-in closet niya.

Naiwan naman si Yohann na nakaupo pa rin sa kama.

"'Yun ba 'yung tinutukoy ni Yohanne na pangako ni Zacheous?" Naalala ni Yohann 'yung sinabi ni Yohanne nu'ng hinatid sila ni Xian noong isang araw. Ang pinagtataka lang niya ay bakit hindi sinabi ni Zacheous sa kaniya. Ngayon lang nagdesisyon si Zacheous na hindi siya kinonsulta. Gusto niyang magalit kay Zacheous pero napagtanto niyang mabuti na rin 'yun na nag-initiate si Zacheous.

Sa mga nagdaang araw, napansin niyang hindi na siya kinukulit ni Zacheous pero hindi niya alam kung mabuti ba 'yun o hindi. Inaamin niyang dahil hindi na siya kinukulit nito. Napailing siya sa naisip niya at napahilamos sa mukha niya.

Tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin at kita niya na bahagyang namumula ang mukha niya. Iniwas niya ang tingin niya sa repleksyon niya sa salamin at kinuha ang cellphone niya.

May date pala kayo - - -. Agad na dinelete ni Yohann ang tinype niya at nagtype ulit ng bago.

Bakit hindi mo sinabi sa akin na may date - - -. Dinelete niya ulit ang tinype niya at nahiga sa kama habang hawak sa cellphone niya at nakalagay sa may dibdib niya.

Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang sumama sa date ng dalawa pero hindi naman niya alam kung papayag si Yohanne, lalo na si Zacheous. May tiwala naman siya kay Zacheous pero naisip pa rin niyang sundan ang dalawa.

Nakatingin siya sa ceiling at nag-iisip kung anong mas mabuting gawin.

Lumabas si Yohanne mula sa walk-in closet niya at fully ready na siyang umalis. Nakita niya si Yohann na nakahiga sa kama niya at parang may tinatype sa cellphone nito.

"Yohann." Tawag ni Yohanne kay Yohann. Sa gulat ni Yohann ay nabitawan niya ang cellphone niya at tumama sa noo niya. Agad siyang tumayo at lumapit sa salamin. Nakita niyang may maliit na sugat sa noo niya.

"Oyy Yohann, sorry. Nagulat ba kita?" Agad lumapit si Yohanne kay Yohann at nakita niya rin ang maliit na sugat sa noo ni Yohann.

"Oh my gosh, may sugat." Gulat na sabi ni Yohanne saka pumunta sa wash room niya at kumuha ng bandaid.

"Don't worry, maliit lang 'to." Sabi ni Yohann saka nginitian si Yohanne para hindi na ito mag-alala. Tinanggap din niya ang bandaid at siya na ang naglagay sa noo niya. Wala namang kaso sa kaniya 'yun. Madali lang naman 'yun maghilom.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now