Chapter 21: When Envy turns to Jealousy

31 3 0
                                    

Chapter 20: Flowers and Kiss
           
Agad na tumayo si Zacheous nang makita niya si Yohanne na bumaba sa kotse na sinasakyan nito. Lumapit siya kay Yohanne habang dala-dala niya ang bouquet ng bulaklak. Pinagpasalamat niya na hindi nalanta ang bulaklak na pinitas nina Yohann at ng mama niya. Siya na mismo ang nag-arrange sa bulaklak at ginawang bouquet.

"Yohanne." Tawag niya kay Yohanne. Nagulat naman si Zacheous nang biglang may humila sa pinto ng backseat at sinara ito. Hinintay niyang umalis na 'yung kotse pero nanatili pa rin 'yun kaya hinayaan nalang niya.

"Oy Z, ikaw pala." Nakangiting sabi ni Yohanne at mas lalong lumawak ang ngiti niya nang makita ang hawak na bouquet ni Zacheous.

"For you." Binigay ni Zacheous ang bouquet kay Yohanne.

"Congrats sa play niyo and sorry kung hindi ako nakapagreply sa mga messages mo. May inasikaso lang talaga ako." Sabi ni Zacheous at nahihiyang ngumiti.

"Ikaw ba ang nag-arrange nito?"

"Huh? Ba't mo naman natanong 'yan?"

"Wala lang. Kasi sinabi sa akin ni Yohann noong binigay niya sa akin 'yung regalong galing sa 'yo, sabi niya nagpapractice ka raw na mag-arrange ng flowers." Nakangiting sabi ni Yohanne saka inamoy ang mga bulaklak na hawak niya.

Hindi naman nagpahalata si Zacheous na nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya akalain na may sasabihin si Yohann tungkol sa mga bulaklak. Akala niya ay hindi magkukwento si Yohann kay Yohanne tungkol sa kaniya dahil iniisip niyang galit ito dahil sa ginawa niyang paghalik.

"Sinabi niya 'yun?"

"Yup." Sabi ni Yohanne. Ngumiti lang si Zacheous at pinagmasdan si Yohanne na sinusuri ang mga bulaklak. Habang nakatingin siya kay Yohanne ay wala siyang ibang nararamdaman. Hindi niya naiimagine na nasa loob sila ng isang simbahan. Hindi kagaya noong nakita niya si Yohann na may dalang mga bulaklak.

"Okay ka lang?" Tanong ni Yohanne kay Zacheous dahil napansin niya itong nakatitig lang sa kaniya. Natauhan naman si Zacheous at mabilis na kinurap ang mga mata niya.

"Huh? Ahh oo. Okay lang ako." Nginitian niya si Yohanne para hindi na ito magtaka pa.

"Ahm, sabay na tayong pumasok." Sabi niya kaya tumango si Yohanne.

#

Akmang susunod sana si Yohann sa paglabas sa kotse pero nang makita niyang nasa gilid lang ng kotse si Zacheous, nagbago ang isip niya. Hinayaan niyang lumabas si Yohanne at agad na hinila pasara ang pinto ng backseat. Nakita pa niyang napatingin si Zacheous pero sigurado naman siyang hindi siya makikita nito dahil heavy tinted ang bintana.

Kita niya sa gilid na nag-uusap ang dalawa.

"Sir Yohann? Hindi ka pa po ba bababa?"

"Mamaya na Manong."

Tiningnan lang niya ang dalawa mula sa bintana, lalo na si Zacheous na dahilan kung bakit hindi siya nakatulog ng araw na huli silang nagkita. Paulit-ulit sa utak niya ang nangyari.

Napabuntong-hininga siya habang tinitingnan kung gaano kasaya ang dalawa habang nag-uusap. Kita niya kung paano ang tingin ni Zacheous kay Yohanne. Naisip ni Yohann na nakalimutan na ni Zacheous ang nangyari dahil hindi niya nakikitaan ng pagkabahala ang mukha nito.

Nalipat ang tingin niya sa mga bulaklak. Siya lang naman ang kumuha nu'n pero alam naman talaga niya kung para kanino, hindi lang niya maiwasang masaktan. Kita niya kung paano nag-effort si Zacheous sa pag-arrange ng mga bulaklak.

Napabuntong-hininga si Yohann at sinandal ang likod niya. Napatingin siya sa relo niya at napansing malapit na magbell pero nag-uusap pa rin ang dalawa sa labas ng kotse. Wala namang pakialam si Yohann kung malate siya, gusto lang niyang umalis na ang dalawa para makauwi na ang driver.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now