CHAPTER 124 )¬º-°)¬

89 3 0
                                    

Venjoe POV

Nasan na kaya si Siberia? Si Vince din nasaan na! Takte inisahan ako ng gunggung na yun ah! Nag vibrate cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag ng makita kong si mommy ito.

"Ma?" Tipid ba? Sorry naman wala ako sa mood ngayon dahil di ko makita yung baby ko.

(Nandito si Cae)

Tipid din nyang sagot. Maslalong nawala ako sa mood ng marinig ko ang pangalan nung babaeng iyan! Tsk! Tsk! Ano na naman kaya ang ginagawa nun sa bahay namin! Ang kapal talaga ng mukha nang babaeng iyon.

"Oh, ano na namang kailangan nyan? Paalisin mo na yan! Hindi ako uuwi basta't nandyan yan! Dito ako kila Siberia matutulog!" Inis kong sabi kay mommy at pinagpatuloy ang paghahanap kay siberia, hindi naman ako bastos para patayan ng tawag yung mommy ko kaya natural na nasa tenga ko pa yung cellphone.

(May importante daw syang sasabihin)

Kumunot yung noo ko at bigla akong napahalakhak ng sarkastiko. "Sasabihin nyang nabuntis ko siya? Eh wala ngang nangyari saamin eh! Paalisin nyo na kasi!" Bwesit kong sabi, gago ganyan na yan ka desperada? Psh! Kala niya naman mapapauwi niya ako nababaliw na siguro siya.

(Venjoe! Umuwi ka dito hindi daw siya uuwi kapag hindi niya tayo nakausap.)

Naikuyom ko ang kamao ko at nagsitagisan ang mga bagang ko pero nagtaka din ako.

"Tayo? So hindi lang ako mag-isang kakausapin ng babaeng iyan?" Nagtataka kong tanong, ano na naman ang pakulo niyan? Bakit ba kasi sumusulpot ang babaeng yan! Kakainis dumagdag pa siya! Hindi ko na nga mahanap si Siberia dumadagdag pa siya sa problema ko bwesit! Bakit ko ba kasi nakilala ko pa ang babaeng iyan! Kakainis, kung sana hinintay ko nalang na mamatay ako ede sana wala na akong problemang kakaharapin ngayon dagdag alalahanin lang yan eh!

(I don't really know, why. Kaya nga umuwi ka na dito ng makauwi na din siya! Nagsusukatan na sila ng tingin ni Clara, baka magsapakan na yung dalawa mamaya!)

Inis ding sabi ni mommy kaya umiling-iling ako pucha! Kung alam ko lang na magiging epekto sa buhay ko yang babaeng yan ede sana hindi nalang siya yung nilapitan ko o nabalingan ng attention ko pansamantala! Bwesit! Pati diskarte ko naapektuhan ng dahil sakanya!

"Sabihin mo sa babaeng iyan na isasama ko si siberia baka mag selos yun at ako ang awayin!" Parang bata kong gigil na sigaw, umalingawngaw pa ito sa buong mansion kaya napahawak ako sa bibig ko lalo na nung samaan ako ng tingin nina Liam, Sheila at Jayvee. Nag peace sign nalang ako.

(Well, mainam kung isasama mo siya. Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaction niya, at reaction nyo! Bye!)

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon