CHAPTER 127 (メ¤ ̟ ̟̎ ̟ ̘▼)

85 5 0
                                    

"Magsihanda kayo! Ikaw Ken at Loyd sundan nyo ang nakita nyong isa sa mga tauhan ni Dracula. Liam, pilitin mong alamin kung sino si Dracula! Kung kailangan mong bugbugin si Shane ay gawin mo. At ikaw Vince, sundan mo si Cae at dalhin mo dito. Malaki yung atraso ng pesteng babaeng yan sakin!" Seryoso at puno ng galit kong usal, pagkauwi ko kasi kahapon ay naging ganito na ako, hindi ako makapaniwala na hindi nila ako pinagkatiwalaan at pinaniwalaan, ano ba ang tingin nila saakin?!

"Ngayon napagtagpi-tagpi ko na ang lahat, si Dracula siya ang mission ko dito siya ang nagpapapatay sa mga hostage na hindi nagbibigay ng pera. Bukas ng madaling araw, kailangan ko ang report nyong lahat. Ken at Loyd kapag kayo ang unang nakatunton sa kuta ng Dracula na yan contact me ASAP! Mag tutuus kami ng hayop na yan." Gigil na gigil kong sabi, hinding-hindi ko sila mapapatawag, hindi ko din palalampasin ang kahayopang ginawa niya sakapatid ko, kailangan ko ding malaman kung ano ang dahilan at napaanib sakanila si Shane. Malakas ang kutob ko na si amanda ay isa din dito, kailangan kong bantayan ang impaktang iyon. Lahat ng may sala ay pagbabayarin ko!

•C•A•E•L•E•E•N• •P•O•V•

"HAHAHAHAHA! kung nakita mo lang si Siberia kahapon mapapahagalpak ka din sa tawa! ang sarap palang makitang nahihirapan ang pesteng iyon! Ngayon kaylangan na muna nating pag planuhan kung paano at sa anong paraan natin papatayin si Venjoe!" Halos magmukhang baliw ako dahil sa sobra kong saya.

Lalong-lalo na ng makita kong ganun si Siberia, sinasabi ko na ngaba na wala ang hayop na babaeng iyon. Akala mo kung sinong matapang kingna may kahinaan pala ang gaga, kala mo kung sinong lion eh kingna daga naman pala! Hayep pero in fairness natakot ako sa banta niya kahapon ah! HAHAHA kala ko naman kasi totoo pero shutangina puro lang naman pala satsat nakakagago diba?!

"Iyon ba ang paraan ng pag ganti mo sakanya? Paano kung balikan ka niya?" Sinamaan ko ng tingin si Vin dahil sa sobrang negative minded bwesit.

"Kasasabi ko lang diba na sa satsat lang magaling ang hayop na yun? Nasan utak mo?" Sarkastiko kong sabi ngunit diniinan ko ang lahat ng words na sinabi ko sakanya upang maunawaan niya talaga. Satingin mo ba kung matapang talaga yun eh hahayaan niya akong nakatakas sa kabila ng nagawa ko sakanya?" Patanong ko pang sagot sakanya, di nag iisip e, ang dapat na pag planuhan namin ay kung paano magiging malinis ang gagawin naming pagpatay.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now