CHAPTER 130 (▲ ( ︻ )▲)

90 3 0
                                    

Third Person POV

"Magandang gabi pinunong Dracula, sulat po galing sa kaaway." Napaangat ang kilay ni Dracula ng may iabot na sulat sakanya, Agaran niya itong kinuha upang basahin ang nakasulat.

Dracula,

Alam kong sa mga oras na ito ay binabasa mo ang aking sulat. Hindi sa pagmamaliit sayo pero kapansin-pansin namang takot ka? Hahaha! Akala ko ba matapang ka pero bakit puro tago yang ginagawa mo? Bakit ngaba puro tauhan mo ang nakakasagupa ko? Pero alam mo impokrita ka. Hindi mo yan alam no? Pwes ngayon alam mo na, alam mo kung bakit? Simple lang madumi kang mag laro pati kapatid ko isinali mo! Anong akala mo saakin tanga?! Akala mo ba hindi ko magagawang saktan siya lalo na kapag nalaman kong kapatid ko siya? Akala mo ba kasing tanga mo ko? Hindi mo nga siguro ako kilala dahil kahit na pamilya ko kaya kong patayin kapag trinaydor ako. Subukan mo uling kumuha ng isa sa pamilya ko, kahit sa harapan mo mismo ay papatayin ko!

Itong aking sulat ay isang paanyaya, inaanyayahan kita ngayong 7pm sa lumang bodega, simulan na natin ang lahat ng ito upang madaling magwakas. At makita kong sino ang tunay na malakas sa pagitan nating dalawa...

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now