CHAPTER 80 (=xェx=)

171 6 0
                                    

Siberia POV

Gusto ko mang mag wala ngunit nanatili akong kalmado at walang emosyong nakatingin kay venjoe. Hindi ko alam na may bago na pala siyang ipinalit saakin hindi ko alam na ganun pala ako kabilis na palitan.

"This is insane! Kung wala kayong ibang magawa wag niyong isali si siberia dito! Matagal na siyang patay!" Sigaw ni venjoe pero umiling iling lang ako at tinungo ang upuan ko napataas ang kilay ko ng makita ko ang babaeng masamang nakatingin saakin kaya pinanlisikan ko siya ng mata.

"Aalis ka ng kusa sa upuan ko o bubuhatin pa kita at ibabalibag?" Malamig kong sabi at masaya ang kabilang parte ng katawan ko na nasa akin pa din ang attention ng lahat.

"Stop it miss wag mong ganyanin ang girlf-----"

*boooogggshh*

Hinila ko ang babaeng masamang naka tingin saakin at sabay sipa ng inuupuan niya at nanlilisik ang mata kong tumingin kay venjoe.

"Girlfriend venjoe? Talaga? Hindi kaba masaya na nakita mo akong muli? Hindi kaba natutuwa at ito nakikita mo ako at meron akong hininga? Kung hindi napaka bilis mo nga akong pinalitan. Baka nakakalimutan mong girlfriend mo pa din ako?" Desperada kong usal. Hindi ako ganito dati hindi ako nag hahabol kung ayaw ng lalaki saakin eh pababayaan ko pero ngayon nagawa kong ipag laban ang akin. Ipinangako ko sa sarili ko nung magising ako ay babawiin ko ang lahat hindi ako papayag na mawala nalang bigla saakin ang lahat ng dahil lang sa nangyari saakin.

"Kung gayon ikaw ng iyan siberia.. Bakit bumalik kapa? Bakit bumalik ka kung kailan masaya na ako? Pano ako sasayang makita ka kung may girlfriend na ako? Sabihin mo nga sakin bakit bumalik kapa? Bumalik kaba para guluhin muli ang tahimik kung buhay? Bumalik kaba para ipamukha saakin kung gaano ako ka tanga?!" Galit niyang usal.. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya pero masisisi niya ba ako kung hindi ako nagising sa loob ng apat na taon? Masisisi niya ba ang magulang Kong ipinalabas na patay na ako?.

"Bumalik ako para sayo dahil umaasa ako na meron pa ding tayo. Bumalik ako upang bumawi sayo. Bumalik ako upang punan ang naging pag kukulang sayo.. Ngayon venjoe tatapatin na kita. Padadaliin natin ang sitwasyon mamili ka. Ako o iyang babaeng yan? Kagaya saamin noon ni satana venjoe mamili ka ng isa lang at kapag ako ang pinili mo sisiguraduhin kong hindi ka mag sisisi. At kung siya ang pinili mo ay magkalimutan na tayo." Walang emosyon kong sabi. Kung hindi man ako ang piliin niya ay labis akong masasaktan. Umaasa ako na sa ikalawang pag kakataon ay ako na naman ang piliin niya.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now