CHAPTER 96 (•∋•)

145 6 1
                                    

Siberia POV

Nang mabitawan ako ni Venjoe ay nakita ko ang pag sugod ni vince pero bago niya paman masapak si venjoe ay pumagitna na ako sa kanila at sinalo ko ang kamao ni vince gamit ang isang kamay ko.

"Please Vince hayaan mona siya, let's go" hinaluan ko ng pag susumamo ang boses at masuyong tiningnan si vince na nanlalaki ang matang nakatingin saakin.

"W-what... What the hell?" Gulat na pa bulalas niyang usal na animoy naninigas sa kinatatayuan. Binitawan ko ang kamao niyang hawak ko at seryoso siyang tiningnan.

"Wag na nating sayangin ang oras natin dito." Hinawakan ko si vince sa braso akmang hihilain siya dahil natulala nalang na nakatingin saakin. Pero may humawak din sa braso ko kaya kapwa kami natigil ni vince sa akma naming pag alis.

"Please babycakes j-just give me one last chance please.." Huminga ako ng malalim bago ko tiningnan si Venjoe.

Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa may biglang mag flashback sa isip ko.

Rinig kopang tili ni maria. Kaya inis akong napapikit dahil sa tinis ng boses niya.

"Where's my babycakes?"

Nangibabaw ang boses ni venjoe kaya bigla akong napamulat.

"Babycakes?"

Si sheila bigla namang nag init ang ulo ko ng mag sink in saakin kung sino ang sinasabihan niya ng babycakes.

"Yeah my babycakes joy.. My babycakes joy..."

Kanta niya pa kaya inis kong pinag babato ang unan ko! Damn this boy! Hindi talaga pumapalyang painitin ang ulo ko.

"Ahh si joy.. Ayun tulog na tulog."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni sheila.

"Pero kumanta ka dali.. Para magising sita promise super effective pero.. Nagagalit yun kapag nagigising siya kaya mag pa deliver ka muna ng kape dahil ang kape ay isa sa nakakapag pakalma sa init ng ulo niya"

Bwesit na maria to! Isa pa to! Parang silang dalawa yata ni venjoe ang bagay dahil pareho sila ng inaakto. Rinig kong sumang ayon si venjoe at tinawagan ang sa baba upang mag pa deliver ng kape dito sa taas at nag simula na siyang mag strum ng guitara na batid kong akin yun.

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now