"Mahal, ba't ka nakikipaglandian sa mga baby boys?" tanong ng asawa ng babae at hinampas niya ang ulo ng asawa niya gamit ang papel.

"Hoy, hindi ako malandi! May mag-syota kasi dito!" sagot ng babae at pareho silang umalis.

Pagkatapos ng ilang minuto ay inihain na ng lalaki sa mesa ang mga inorder namin.

"Pagpasensyahan niyo na ang asawa ko kasi natutuwa lang iyon kapag nakakita ng pogi." sabi ng lalaki

"Okey lang po uncle at natutuwa lang kami." tugon ni Michael

"May softdrinks po ba?" tanong ko

"Meron." sagot ng lalaki

"Isang litro po ng Sprite." order ni Michael

Kumuha ang lalaki ng softdinks at baso pagkatapos ay inilagay niya sa mesa namin tsaka umais. Habang kumakain kami ay biglang dumating ang ex ko na kamukha ni Sandro at bigla akong natulala.

"Hoy!" sigaw ni Sandro at nagising ako galing sa pagkatulala ko.

"Ba't ka natulala?" tanong ni Gian

"Na-miss ko lang ang ex ko." sagot ko

"Paps, huwag mo nang isipin ang ex mo dahil katabi mo si present at future mo." paalala ni Ford

Biglang lumapit sa table namin si ex kasama ang kanyang boyfriend na kasing-edad ni kuya.

"Hi Johnson, long time no see." pagbati ni ex

"Guys, this is Bryce and he is my ex-boyfriend." pinakilala ko ang ex ko sa kanila.

Napatingin silang lahat except Sandro kay Bryce.

"Wow! Magkamukha pala sila ni Sandro!" namangha si Michael

"Guys, this is Wilbert. Boyfriend ko siya for almost a year." pagpapakilala ni Bryce sa kanyang kasamang lalaki.

"Di pala ako na-inform na may kamukha pala ako dito. Buti nga lang at hindi katulad sa teleserye na may long lost twin brother pala ako. Bihira kasi sa mundo na may kamukha ang tao." ani Bryce

"Buti nga lang at nakamove-on ka na sa ex mo. For sure kakarmahin si Bryce dahil sa ginawa niya sa'yo." bulong ni Ford

"Guys, mag-breakfast muna kami ng boyfriend ko." paalam ni Bryce tsaka sila umalis.

Katatapos lang namin kumain nang biglang may kaguluhan na nangyayari sa karinderya. May dalawang lalaki na biglang sumugod kina Bryce at Wilbert.

"So, ikaw pala ang bago ni Wilbert ngayon?" tanong ni lalaki 1 sabay sampal sa kaliwang pisngi ni Bryce.

"Kaya pala hindi na ako mahal ni Wilbert kasi busy siya na nakipaglandian." sabi ni lalaki 2 sabay sampal sa kanang pisngi ni Bryce.

Maraming tao ang nakatingin sa kanilang apat. Para kaming nanonood ng teleserye na pinagkaguluhan ng sambayanan.

"Karma mo iyan, Bryce! Hindi man kita nasampal noon at least nagbabayad ka na sa sakit na nadarama ko." bulalas ko habang umiiyak

"Paps, okey lang iyan. Hindi ko inexpect na lalakero pala si Wilbert." sabi ni Ford habang pinatahan niya ako.

Naalala ko ang tamis at pait habang kasama ko siya noon sa loob ng three months.

"Guys, bakit ba kayo nandito? Hindi ko na kayo mahal dahil si Bryce na ang mahal ko." ani Wilbert

"Kayong dalawa, talo kayo sa akin dahil mas nasarapan si Wilbert sa akin kaysa sa inyo." pagyayabang ni Bryce

Dahil sa galit ay pinagtulungan nilang suntukin si Bryce hanggang sa may dumating na barangay tanod. Bumalik na kami kaagad ng hotel dahil naawa ako kay Sandro baka mapagkamalan na siya si Bryce. Dahil malapit lang ang hotel at karinderya ay naglalakad kaming lami.

"Sandro, hindi ka ba natakot na baka awayin ka ng mga syota ni Wilbert?" tanong ni Michael

"Syempre, natatakot ako baka ma-misinterpret nila ako at maisip nila na ako si Bryce." sagot ni Sandro

"May palatandaan ako kung sino si Bryce at sino si Sandro." sabi ko

"Paano?" tanong ni Sandro

"Si Bryce ay may nunal sa noo, kilay, at pisngi habang si Sandro ay may birthmark sa baba at chest." sagot ko

"Grabe, ang talino pala ni Johnson." compliment ni Gian

"Syempre, ako pa!" sabi ko habang proud ako sa aking sarili

Nagcheck-out na kaming apat sa hotel at hindi na sumama si Gian sa amin pauwi dahil hindi pa umaalis sina Gerald at kanilang mga pinsan.

(Gerald's POV)

Nag-away kami ng kapatid ko sa kuwarto ng hotel dahil sinira niya ang plano ko na mapasakin si Johnson. Halos malasing na ako dahil nasasaktan ako dahil kay Johnson pero masaya naman ako dahil kay Sandro.

"Gian, huwag kang makipagkaibigan diyan kina Johnshon baka ikaw pa ang dahilan na hindi siya mapashakin." paalala ko

"Kuya, hindi ako kontrabida tulad mo at wala akong pakialam na hindi mo mapasayo si Johnson." bulalas ni Gian at sinuntok ko siya sa mukha.

"Sha ayaw at sha gushto mo, itutuloy ko ang panggagayuma kay Johnshon at kukulamin ko shi Ford." sabi ko at uminom ng alak. Hindi ako katulad ng mga kontrabida na umiinom ng red wine.

"Kuya, tanggapin mo kasi na wala ka nang pag-asa kay Johnson. Tanggap ko rin naman na hindi mapasakin si Ford." saad ni Gian

"Akala mo madaling tanggapin iyon? Nashashaktan pa rin ako dahil hindi ko naging syota shi Johnshon dahil nahihiya ako sha kanya. In short, natotorpe ako. Shimula noong nakita ko shi Ford sha piling ni Johnshon, nagsheshelosh ako at nashashaktan dahil hindi ako kumilosh para mapashakin siya." paliwanag ko

Natuwa ako nang bigla kong nakita si Sandro sa harapan ko at dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakita ko sa kanyang mga mata na nagulat siya pero hinalikan ko siya sa bibig. Masarap ang halikan naming dalawa pero nagulat ako dahil hindi pala si Sandro ang kahalikan ko kundi ang sarili kong kapatid.

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang