23

127 5 0
                                    

"W-Wag kang lalapit." Seryosong saad ko.

Tumango siya bago umupo sa kabilang gilid ng kama, "sorry... I'm sorry, h-hindi ko sinasadya. Nilamon ako ng selos, a-ang daming lalaki ang.... ang nakatingin sa katawan mo kanina." Sabi niya habang naka-yuko.

"Kahit na! Wala kang karapatan na halikan ako..." mabilis akong tumalikod nang maramdam ang luhang nag babadya na namang tumulo, "d-dati hindi ka naman ganoon kadiin...  humalik. Dati s-sobra mo akong nirerespeto, n-ngayon hindi na ba?" I bit my lower lip to stop sobbing.

Dahil ba hiwalay na kami kaya hindi na niya ako nirerespeto. Kaya gagawin nalang niya ang gusto niyang gawin?

"H-Hindi ganun... mahal kita, nirerespeto kita. Sorry, h-hindi ganoon ang gusto kong mangyari kanina. Patawad... mahal." Saad niya bago ko maramdam ang yakap niya mula sa likod ko.

I was stunned by what he did, "b-bitaw." Mabilis siyang bumitaw sakin nang mahimigan ang seryosong boses ko, "hindi mo ako mahal, hindi mo ako nirerespeto. N-Nung araw na... na nag hiwalay tayo ay iyun din ang araw na... tinapakan mo ang pagiging babae ko."

"L-Let me explain, sasabihin ko lahat. Ipapaliwanag ko, simula umpisa hanggang huli. Makinig ka sakin, kahit isang beses lang. Pag tapos... s-sige tatantanan na kita, h-hindi na kita guguluhin. H-Hindi na ako mag papakita pang muli sayo," nanghihina na saad niya.

Iyon naman ang gusto ko 'di ba, ang hindi siya makita. Kaya sige pag bibigyan ko siya.

"Okay... mamayang gabi, six p.m sa cottage malapit sa dagat." Saad ko bago mag talukbong ng kumot.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nanghina agad ako nang marinig kong tatantanan niya na ako at hindi na muling mag papakita pa sakin pag tapos ng pag uusapan namin.

Maski ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang mag dikit ang katawan namin kanina ni Ethan ay hindi ko alam kung ano iyon.

Punyeta! Ano ba ang nangyayari sakin!?

Dati nararamdaman ko iyon pero sa loob ng walong taon, hindi na. Ngayon nalang ulit. Dahil sa pag-iisip ay nakatulog ako, nagising nalang ako nang maramdaman ang kulo ng aking tiyan.

Mabilis akong bumangon bago tignan ang oras sa aking cellphone. Five fifteen na, bakit wala manlang gumising sakin! Edi mamaya wala na akong maitutulog.

Dali-dali kong tinawagan ang cellphone ni Levi para tanungin kung nasaan sila. Nakakahiya naman kung lalabas akong hindi alam kung saan pupunta.

"Hello, nasaan kayo?" Tanong ko agad.

"Andito kami ni kuya Ethan sa pool side, sila tito naman nag luluto ng pagkain." Sagot niya sakin.

"Okay sige," saad ko lang bago patayin ang tawag.

Sumandal nalang muna ako sa headboard bago mag bukas ng instagram account. Sa walong taon na lumipas ay walang nag bago sa nakasanayan ko na sa tuwing may pinupuntahan ay nag p-picture bago ipost sa instagram.

Mayroon akong facebook account pero hindi ko na iyon binubuksan. Sa instagram lang talaga ako active lagi, doon ko lang din pinopost ang mga litrato na gusto kong ipost.

Nang nainip akong mag brose sa instagram ay nag palit muna ako ng hoddie bago lumabas. Pag labas ko ay ang sariwang hangin agad ang bumungad sakin, lubog na din ang araw pero nag mumukha padin itong maganda sa paningin dahil sa dami ng mga kumikinang na bituin sa langit.

Saglit kong kinuhanan ng boomerang video ang magandang tanawin sa aking harapan bago iyon ipost sa myday. Naupo muna ako sa malapit na upuan bago naman ipost ang nakuhag litrato kaninang umaga kung saan kumpleto kaming lahat.

Malapit na palang mag six p.m kaya naisipan ko ng mag lakad patungo sa mga cottages. Pumasok ako sa kubo bago maupo, siguro okay na dito kami mag usap.

Buti nalang at nag suot ako ng hoodie at pajama dahil malamig ang simoy ng hangin.

Mahina kong kinurot ang daliri dahil sa nararamdaman kong lungkot. "Ano ba ang kinalulungkot ko?" mahina kong tanong sa sarili.

"Lahari," mabilis akong napalingon kay Ethan na kapapasok lang din sa kubo.

"Simulan mo na ang pag papaliwanag." Seryosong saad ko na siyang mabilis na kinaiwas ng tingin niya mula sakin.

"G-Ganiyan kana ba talaga kadesididong marinig ang paliwanag ko para lang... h-hindi mo na ako makita pa?" Mahinang tanong niya.

Tangina! Kung alam mo lang kung ano ang totoong nararamdaman ko ngayon! Hindi ako natutuwa, kasi sobrang lungkot ko pero punyeta hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot na pag tapos ng pag-uusap natin na ito ay hindi na kita makikita.

"Simulan mo nalang," saad ko bago umiwas ng tingin, nanginginig ako habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Nung araw na nag text akong magiging busy ako nung buwan na iyon, totoo yun dahil kinabukasan ay sunod-sunod na nagbigay ang mga professor namin ng gagawing thesis at projects... sa mga sumunod na araw, sobra akong problemado dahil sa sobrang daming gagawin ay hindi ko na alam ang uunahin... walang tulog, halos isang beses nalang sa isang araw kung kumain."

"Hindi natin magawang tawagan ang isa't-isa, dahil oras palang ng paggawa ng school works ay kulang pa,---"

Mabilis kong pinutol ang dapat na sasabihin niya, "ano iyung nakita kong may kasama kang babae sa loob pa mismo ng kwarto mo... sa kwarto mo kung saan din kami natutulog ni Levi?" I asked directly, wala akong pake sa part na iyon. Gusto ko lang pag-usapan kung anong dahilan kung bakit may babae siyang kasama... kalampungan at ang totoong dahilan ng pakikipag hiwalay niya sakin.

Punyeta kung alam niya lang kung paano ang hirap ko sa araw-araw, iniisip kung ano ang nakakapagod at nakakaswa.

"H-Hindi ko sinasadya iyun.... lasing ako, hindi ko alam ang mga ginagawa ko." Sagot niya habang umiiling.

"Bakit ka kasi nag lasing nung araw na iyun!?" Inis na tanong ko habang ramdam ko ang luhang namumuo sa mga mata.

"B-Binagsak ako ng professor ko sa... thesis, s-sobrang na-blangko ang isip ko nung... nung sinabi niyang hindi niya ako bibigyan ng exam week after." Napahilamos siya ng mukha gamit ang dalawang palad dahil sa sobrang frustration.

"B-Bakit nung pumunta ako sa unit mo... bakit hindi mo agad sinabi sakin? Tangina! Bakit... b-bakit mas pinili mong makipag hiwalay at sabihing napapagod kana sa relasyon natin... na nagsasawa kana?" Hindi ko na maiwasang mapahagulgul sa harap niya, wala na akong pake kung ano ang itsura ng mukha ko.

Bakit hindi niya sinabi ang totoo? Bakit mas pinili niyang saktan ang damdamin namin? Maiintindihan ko naman, makikinig naman ako sakaniya, pwede ko namang iset-aside ang sarili kong problema. Pero bakit hindi niya sinabi!?

"H-Hindi ko ginusto iyun... hindi ko alam ang t-tumatakbo sa isip mo nang gabing iyun... lalo na n-nung makita mong may kasama akong babae... p-patawad, patawad m-mahal kung mas pinili kong... saktan ka. Nasaktan din ako pero tiniis ko... para s-sayo, dahil ayaw kong m-madagdagan ang problema mo." He explains as his tears continue to flow down his cheek, humihikbing pumunta ako sakaniya bago siya yakapin ng mahigpit, "n-nung araw na namatay si M-Mamang... alam ko iyun, tinawagan ako ni ate Ali noong araw na i-iyun. W-Wala akong magawa, hindi kita mapuntahan... sobrang nag fail ako bilang b-boyfriend mo na dapat nasa tabi mo a-ako noong araw na iyun. I know your h-hurting, kaya nung pumunta ka sa unit ko, w-wala akong choice kung hindi ang saktan ka din... a-ayaw ko na kasing dumagdag sa problema mo... kaya naisip ko na pagtapos ng sakit na binigay ko sayo, kapag nag move on kana... wala ng p-problema, makakapag patuloy ka ulit sa buhay mo."

Inis kong hinampas ng mahina ang kaniyang likod ng ilang beses. Sobrang nanghihina ako.

"A-Ang gago-gago mo! Mag... boyfriend at girlfriend t-tayo noon pero ang unfair mo! Ang h-hina-hina mo, para kang bakla! Mas pinili mong wakasan kesa pag-usapan." Lalo akong humagulgul nang maramdaman ang halik niya sa tuktok ng ulo ko, "hindi ka din n-nakinig sa nag-iisang p-payo ni Mamang."

"Alam ko, m-mahal... gago ako pero hindi ako bakla. Sorry na, hmm?" Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge at pinaharap iyon sakaniya, "sorry na po, n-nag sisisi ako hanggang ngayon." I close my eyes when I feel his kiss on my forehead.

'Wag kana umalis, napatawad na kita. Naiintindihan ko ang rason mo. Wag mo na ako iwan, wag mo na ako tantanan.' Gusto kong sabihin pero sobra akong nanghihina.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now