Chapter Fifty

7.3K 310 63
                                    

Victoria


Victoria

            It's been a while and I do miss you. Alam kong miss mo na ang kagandahan ko kaya huwag mo na ring itanggi ito. Masamang itanggi kasi nakakapangit. Oo nga pala, iyong gamot na kasama sa kahon ay inumin mo. Love pills 'yon para ma-in love ka sa akin ng sobra. Hayaan mo at huwag ka ng matakot, marami namang po-protekta sa 'yo kasama na ako doon. Iyong singsing pala, pakisanla kasi kailangan ko ng pera. Medyo short na kasi ako ngayon— joke lang! Iyong singsing, wear it. Isuot mo lang siya then malalaman mo na lang sa susunod kung para saan 'yan. Importante sa akin ang singsing na 'yan kaya wear it, Mahal. At isa pa pala, ingatan mo ang sarili mo. Huwag mong pahirapan and always be careful when you and Ash are outside. I can't afford na may mangyari sa inyong masama. I love you and pasensya na kung hindi muna ako nagpakita sa 'yo. Kailangan at sana maintindihan mo. See you when I see you, Mahal. Pahingi kiss, muah!

Nagmamahal,
Iyong asawa, Banana


Nagpipigil ako ng ngiti as I close my eyes.
Binaba ko ang sulat pagkatapos ko itong basahin ulit. Muli akong nagmulat ng mata then stares at it for a while before I decided na itupi na ito at ilagay sa mesa na nasa tabi lang ng higaan ko.

Hindi ko nga alam kung tatawanan ko ba ang sulat o ano e. Kahit kasi sa sulat ay hindi na nawawala ang pagiging pilya ni Banana. Ilang beses ko na rin itong binabasa pero hindi pa rin ako nagsasawa.

Napatingin pa ako sa lalagyan ng gamot na bigay niya sa akin. Ilang gabi ko na rin itong iniinom and I'm happy to say na maganda ang tulog ko. Deretso at kahit anong klaseng panaginip ay walang nag a-appear. Ilang gabi na rin akong hindi nagigising ng basta-basta dahil doon. Dahil siguro feeling ko safe ako sa gamot na iyon o baka may something talaga sa gamot.

Kapag talaga nalaman ko na drugs 'yan, hinding-hindi ko na siya hahayaang lumapit sa anak ko. Baka masuntok ko pa siya sa mukha niya.

And 'yong ring. Until now I wear it. Hindi ko pa nabasa 'yong letter no'n but I wear it na then no'ng nabasa ko na siya, hindi ko ito inalis.

Pero sa totoo lang ay I appreciated her. Kahit pala wala siya rito o hindi ko man siya nakikita ay nag aalala pa rin siya sa akin at kay Ashlyn. Kahit ba she's too busy with something that I don't even know ay pakiramdam ko nasa paligid lang siya.

Ashlyn misses her so much na kinukulit na ako nang bata na makita ulit ang Mama niya. Ashlyn loves her puppy so much that she names it, Lucky. Seriously? Hindi ko pa malalaman kung hindi niya nabanggit sa akin. Masyado akong occupied sa sariling problema na halos hindi ko napansin ang sarili kong anak.

Tumayo na ako at bumaba dala ang cellphone ko. It's already 8 in the morning.

"Mommy, look! Lucky is smiling!" Ashlyn laughs so hard na hindi ko mapigilang ngumiti. 'Pag wala siyang pasok ay lagi niyang inuuna ang alaga at lagi pa niya itong kalaro si Lucky.

Magseselos na ba ako kay Lucky o ano?

"Do you want to go outside, sweetheart?" Naisip ko kasi na medyo matagal na ng huli akong lumabas kasama si Ashlyn.

"Where to, Mommy?"

"Sa may park? I want to go outside with you. Come on, Baby. Bonding with me na." Umupo ako sa sahig kung nasaan siya. Tumayo naman ito at natatawang lumapit sa akin para maupo sa lap ko. Si Lucky naman ay sumunod sa kaniya kaya hinayaan kong buhatin ito ni Ashlyn at laruin na nasa lap na rin niya.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon