Chapter Thirty six

8K 293 82
                                    

Banana


"Ehem."

Pagpasok ko ng bahay ni Alex ay siya agad ang nakita ko. Nakuha ko naman ang atensyon niya at nagtataka itong nakatingin sa akin.

"Banana?" Ngumisi ako sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ko alam na susunod ka. Naiwan sila sa Subic?"

Medyo maaliwalas naman ang mukha niya ngayon. Kaso namumula ang mata at halatang galing sa iyak.

"Iniwan namin sila. Kasama ko sila Alicia na nagpunta rito." Napabuntong hininga naman ito. "Hinahanap ka ni Miss Tala."

"Nag iwan naman ako ng letter sa kaniya."

"A goodbye letter?" Natatawa kong turan. Nakatayo pa rin ako hindi kalayuan sa kinauupuan niyang couch. "P'wede ka namang magpaalam ng maayos sa kaniya, Alex. Pinag aalala mo lang siya e."

"Kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Baka ipilit niyang tulungan niya ako o ano." Malaki naman ang maitutulong ng isang Tala Liandro sa kaniya a.

"Ayaw mo?" Ayaw niyang humingi ng tulong? Hindi na ako magugulat kung marinig ko mamaya na ayaw niyang tulungan namin siya. Umiling lang namam ito sa akin at nagbaba ng tingin sa hawak niyang laptop. Wala na itong sinabi pa kaya ako na lang ulit ang nagsalita.
"Mukha namang maayos ang itsura mo."

Tumatango-tango akong lumapit pa sa kaniya. Tipong nakatayo pa rin at ilang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa.

Mukha siyang busy sa itsura at sa hawak na laptop.

Pabagsak kong binaba ang dalang bag sa sahig bago tumingin sa paligid ng bahay ni Alex dito sa Tagaytay dahil kakarating lang din namin. Nauna lang talaga akong pumasok kesa sa nga kasamang pagod at inaantok.

Maaliwalas naman ang buong bahay niya. May ilang mga picture frame. Picture ng Mama niya at picture naming mga magkakaibigan. May picture na rin si Tala maski picture ni Jesryl ay narito rin.

Napatingin naman ako sa isang pinto kung saan ay alam kung k'warto ni Alex.

Hm, paniguradong hindi ko gugustuhin na pumasok sa loob niyan. Kahit malinis ang loob ay hindi ako papasok.

Sumunod na pabagsak na naupo ang mga kaibigan naming kakapasok lang at pumwesto sa harapan ni Alex na nakangiti lang sa kanila ng maliit.

Nanatili naman akong nakatayo at inoobserbahan na lang siya, habang tahimik at pinakatitigan siya. Maniniwala ba akong wala na naman siyang ginawa pagkauwi niya rito? Nalilinlang na naman ba ako sa maayos na ayos niya ngayon at sa ngiti niyang hindi naman talaga totoo?

Hindi ko alam kung alin ang iisipin ko. Pakiramdam ko ay sa kabila ng maayos niyang itsura ngayon ay may daing ang katawan niya sa isang sugat na paniguradong bagong guhit sa balat niya.

Kailan kaya ito matatapos sa ganito? Ako ang nasasaktan sa kaniya.

"Saging." Napabuntong hininga siyang nakatingin sa akin. Nakatitig lang ako sa kaniya at hinihintay ang sasabihin niya o magiging sagot sa sinabi ko kanina. "Huwag mo naman akong tignan ng ganiyan. Wala akong ginawa pagkauwi ko rito." Mabagal akong tumango bago binagsak ang mga braso sa tagiliran ko.

Hindi ako sigurado pero may tiwala rin naman ako sa mga sinabi nito.

"'Di mo sure." Mabilis akong nakailag sa binato niyang ballpen na nasa ibabaw lang kanina ng maliit na mesa sa harapan niya. Binaba niya ang laptop doon at inirapan ako. Parang nag bibiro lang naman ako e tapos ang bilis na ng kamay niya. "Papatayin mo ako sa ballpen?"

"Tigilan mo ako, Banana." Ngumisi ako rito. Takot ako sa kaniya pero hindi maipagkakailang takot din ito sa akin 'pag pinapairal ko ang pagiging isang Crescencio sa harapan nila.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon