Chapter Twenty Seven

8.4K 306 59
                                    

Victoria


"Hello, Mahal! Bakit hindi mo ako pinapansin?" I hissed at Banana. Kanina pa niya ako kinukulit dito sa bahay habang nasa tabi namin si Ashlyn na busy lang sa pagco-color ng mga coloring book na dala ni Banana. Hindi lang isa kundi tambak na coloring book at crayons ang dala niya na hindi ko alam kung saan pa galing.

I tried looking for its price na ikinataka ko lang kasi iyong iba ay burado at sinadyang tanggalin but there's one coloring book na may price na tumatakbo ng thousand. Saan ka ba nakakuha ng coloring book na nasa thousand pesos? E pag bibili ako nasa hundred lang naman. Mostly 50 pesos below pa nga but I shouldn't think about it na.

"Paulit-ulit, Crescencio. I am fucking busy."

"Professor na mahilig magmura? Hot." I tried to calm down and not punch her face. Ang gulo-gulo niya like kanina pa.

Sa kakakulitan niya ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Wala na naman kasi siyang magawa kaya siya narito at nanggugulo.

But I am about to say something nang maalala ko bigla ang sinabi nila Jade sa akin. I instantly dropped the pen I am using and looked at Banana who was now smirking at me.

Totoo kaya ang sinabi nila?

"See? Titignan mo naman pala ako e." Tinitigan ko siya. Sigurado naman ako na kaya kong tumitig sa mata niya kasi ilang beses ko ng nagawa kahit parang nilulunod ako ng blue eyes niya. It's fascinating staring at her blue eyes. Her impassive and sometimes emotional eyes.

"Look straight in my eyes, Banana Crescencio." Feeling ko ay nagulat siya pero tumitig pa rin siya sa akin without a doubt kahit na may pagtataka na mababakas doon.

Hindi na siya nagtanong pa basta ginawa na lang niya ang gusto ko.

As I shiver.

Feeling ko ngayon lang nag sink in lahat sa akin ng mga nakita nila Lila kay Banana. Totoo nga.

There's something in those eyes— those eyes that held power. Parang lahat ng karapatan ay hawak niya at kaya niyang paikutin sa palad niya— pero baka kalokohan lang ang nababasa ko rito. I want to be in denial.

Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at sumandal sa mahabang couch habang nakaupo sa carpeted floor. Parang bigla akong nahiya habang nakatitig sa kaniya. Pakiramdam ko ay paparusahan ako pag hinayaan ko pang tumitig ng matagal sa mga mata niya. Good grief, dala lang ba ito ng mga sinabi nila Lila sa akin kaya pati ako ay gano'n na rin ang iniisip?

Hindi bale ay wala naman akong pakialam. Titig ako hangga't gusto ko.

Maaga rin ang naging dismissal kanina kaya maaga rin akong nakauwi, gano'n din si Ashlyn kaya sinabay ko na siya. Hindi ko naman alam na susunod pala itong si Banana sa amin pauwi. Ilang araw na rin ang panay buntot niya kapag may napapansin akong nakapaligid sa amin na hindi kilalang tao. Tapos magugulat na lang ako kapag hindi ko na sila nakita. I didn't know how it happened.

Basta itong si Banana ay panay ang buntot at akala ata niya hindi ko napapansin na sinasadya niyang magpakita sa mga nakamasid sa amin and smirk at them. She can't fool me- I know she's protecting me but how? With that look of hers, paano niya natatakot ang mga taong 'yon?

"Victoria?" Napalingon ako ulit kay Banana na mas inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya inilayo ko naman ang akin sa kaniya. Ano bang problema ng babaeng ito ngayon?

"What is it, Banana? P'wede mo bang ilayo 'yang face mo sa akin?" Inis na suhestiyon ko sa kaniya. Baka lang sakali na makinig siya. She's hard-headed at ang hirap i-kontrol.

"Ayoko nga."

"One— umayos ka Banana."

"Binibilangan mo ako, Mahal?" I rolled my eyes.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon