Chapter Fourteen

9K 318 46
                                    

Banana


"Sanchez."

Tawag ko sa lalaking nasa harapan at pintuan ng mansyon ng marating ko ito. Maayos itong nakatayo at ang mga kamay ay nasa likuran.

"Hello, Madam. Hindi ko inaasahan na ngayon ang punta mo."

"Hindi ko palalagpasin ang nangyari kahapon, Sanchez. Alam mo 'yan." Naiinip na may kasamang inis na ang nararamdaman ko. "Baka gusto mo akong papasukin?"

"Wala ka pa ring pasensya." Napairap ako dito.

Binuksan naman niya ang malaking pinto ng mansyon at naamoy ko ang kakaibang amoy nito sa loob.

Amoy kapahamakan.

"Kumusta si Daddy? Ang tagal ko na siyang hindi nakikita." Nilabas ko ang isang kahang sigarilyo na nasa likuran ko at nagsindi ng isa. "At bakit parang walang tao dito?"

Ang tahimik kasi at hindi naman ito ang karaniwang nadadatnan ko 'pag nandito ako.

"He's okay and busy with his business. Tahimik dito dahil nasa trabaho sila."

Trabaho ha. Bago ata iyon dahil madalas ay maraming naiiwan dito.

Maluwang ang mansyon at halos hindi na magkita-kita ang mga tao kung lima o apat lang kayong nakatira. Pero dahil ang mansyon na ito ay hindi lang para sa limang tao kung hindi ay para sa lahat ng tauhan ng ama ko.

Tama, para lang sa tauhan ng ama ko.

"Nakakapanibago, sumipag ba sila bigla?" Natawa ako ng mahina. "Nasaan nga pala ang sadya ko rito?"

"Chamber, Madam."

"Madam your face, Sanchez."

Hinahanap ko pa sandali ang baril ko kaso naalala kong wala nga pala sa akin ito. Ang alam ko ay na kay Hera ito dahil siya ang umagaw ng baril ko no'ng binugbog ko si Elliot at hindi ko pa nababawi.

Isang mahinang tawa lang din ang isinagot ni Sanchez sa akin bago sumunod papunta sa chamber na tinutukoy niya.

Chamber. Isa sa mga lugar na nagiging tambayan ko at tambayan ng mga taong gumagawa ng masama.

Si Sanchez naman ay tauhan ng ama ko. Sa kabilang salita ay si Sanchez ay kasama ko na mula bata pa lang kami. Narito ako ngayon dahil sa mahalagang bagay na kailangan kong unahin.

"When will you go home, Sage?" Gago talaga, Banana na nga ang pangalan ko, ginawa na ring Saging tapos pinaiksi pa niya at ginawang Sage. Ginagawa ba nilang katatawanan ang napakaganda at kaakit-akit kong pangalan?

Pambihira.

"Mamaya, pagkatapos ko. Nasaan na ba ang gunggong na 'yon?" Tinuro niya ang nasa huling k'warto ng walang hiyang chamber na ito. Bakit kasi ang luwang dito? "Wala nga pala ang baril ko rito, Sanchez. Ayoko ring gumamit ng ibang baril. I need mine."

Kukunin ko na lang siguro kay Hera ang baril ko pagbalik ko.

Oo, pagbalik ko na lang. Kasi nasa Pangasinan ako ngayon at wala sa Manila. May kailangan lang akong trabahuin ngayon. Kaya itong mansyon na tinutukoy ko ay dito sa Pangasinan.

"Nasaan ang baril mo, Madam?"

"Ewan." Tanging naging sagot ko sa kaniya kahit na alam ko naman talaga kung nasaan. Nakita ko na rin ang gunggong na hinahanap ko sa chamber na ito.

Tumawa ako ng pagak, pagkatapos yumuko ng bahagya para magpantay ang mukha ko sa kaniya. Pinakatitigan ko ang lalaking masama na ang tingin sa akin habang nakagapos sa isang upuan. Akala mo naman matatakot ako sa kaniya.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon