It's #6

2 0 0
                                    

Maya's POV
It's my rest day today so, ginawa ko nanaman ang routine ko every rest day. Linis dito, linis doon, exercise. Mag laba ng mga dapat labhan. Natapos ang umaga ko na ganun lang ang ginawa, pagdating ng tanghali kumain lang ako at maya-maya nakaramdam ako ng antok kaya natulog na ako.

Ang sarap ng tulog ko kaya pagkagising ko 3pm na ng hapon. Naupo ako at tumingin sa mawalan dahil wala pa ako sa huwisyo. Nag online ako at nakita ko na may message si Dorille.

"San ka?"

Maya-maya lang tumawag na sa messenger. At dahil wala pa nga ako sa huwisyo sinagot ko kahit na video call.

"Oh bakit?"

"Good morning! Mukhang kakagising lang natin ah?"

At dun ko na realize kung anong itsura ko. Pinatay ko iyong video call namin at pumunta sa harap ng salamin. Oh my goooollaaayy!! Ano itsura ko? Sabog ang buhok at may bakas pa ng higaan sa pisngi. Nag ayos ako ng buhok at nag hilamos, nag toothbrush na din ako kahit na hindi naman niya naaamoy iyong bibig ko. Tumawag ako ulit at agad naman niyang sinagot. At ang hinayupak nakangiti pa ng pang-asar.

"Ano ba yun at tumawag ka?"

"Ayain lang sana kita na mag rides sa Antipolo"

"At ano naman ang nakain mo at ako ang naisipan mo isama? Alam ko marami kang frenny waps ah?"

"Para maiba lang, tsaka may kasama tayo"

"Tignan ko muna schedule ko, baka may pasok na ako bukas. Pero kung wala pag iisipan ko parin"

"Huwag kana mag dalawang isip, sumama kana. Masaya to!"

"Gano ka saya?"

"Pag pinakilig kita, panigurado sobrang says"

At yun nga, natulala ako sa sinabi niya at hindi mag sink in sakin.

"Uy natulala! Huwag ka kiligin sakin hahaha namumula ka pa"

Napabalik naman ako sa ulirat nung marinig ko iyong boses niya. At ang hinayupak! Sabi na eh! Manghaharot to kaya ganun umasta sakin kagabi eh.

"Letche ka! Antayin mo message ko"

Sabi ko at pinatay na ang call, chineck ko naman ang schedule ko at thankfully! Wala akong pasok bukas. Madami naman kami Accounting manager kaya okay lang kahit mag 2 days off kami. Nag message na ako sa kanya na sasama ako.

"Okay sige sige, magdala ka ng damit ah? Overnight yun"

"Ano? Bakit? Hindi ako pwede ng overnight!"

"Edi sige, uwi din tayo ng madaling araw. Basta magdala ka ng damit, baka pumunta tayo sa daranak falls"

Nag thumbs up lang ako at nag ayos na ng gamit ko. Mukhang masaya naman to, hindi pa kasi ako nakakasama sa rides dahil wala naman ako kaibigan na may motor, nakakahiya naman sumama kay Jenny at wala akong jowa!

it's youWhere stories live. Discover now