It's #1

12 0 0
                                    

Maya's POV

Ang sakit pala sa dibdib kapag yung dating minahal mo at hanggang ngayon mahal mo parin makikita mo na may iba ng gusto. Nakakairita! Ako dapat yun eh!

"Babaita? San ka punta?"

"Sa lugar kung saan walang masakit sa mata".tinawanan lang naman niya ako. Inikutan ko lang siya ng mata.

"Hay nako frenny waps, move on na. Mukhang masaya naman na siya sa pag habol sa taong landi lang din ang gusto hahahahahaha"

"Kung hindi niya lang naman kasi ako iniwan ng walang sabi-sabi edi sana matiwasay ang buhay ko, hindi eh! Gulat na lang ako iba na kaharutan wala na paramdam!". nanggi-gigil na sabi ko. Tinawanan niya lang naman ako.

"Pero okay lang, mukha naman siyang tanga na habol nang habol sa gusto niya. Mukha siyang aso!".sabi ko and flip my hair at tinaas ang kilay. Dumiretso kami sa bilihan ng kwek-kwek. Reward sa sarili sa sobrang pagod sa trabaho.

Ewan ko din ba, sabi nila maganda naman daw ako kahit na hindi katangusan ang ilong, mabait lalo na daw kapag sa unang tingin which is true naman may time lang talaga na lumalabas ang attitude ko lalo na kapag nakaka-irita. Aba ang mababait napupuno din, gamit na gamit na sa akin iyong "kill them with kindness" eh shuta kakapaniwala ko sa salita na yan,mas lalong kumakapal ang mukha ng mga hinayupak.

Hay nako na-stress lang ako sa ganyan, mukhang kailangan na may mag-alaga sa akin. Chares!

"Hanap na lang kita ng bagong fafa, you want?".napa-ikot na lang ako ng mata.

"Kahit hindi na, kung yung ibibigay mo eh parang laging lutang wag na. Baka kapag nag tagal kami niyan makalimutan niya na may jowa pala siya".pano isang beses nag reto ba naman parang lagi wala sa sarili, magulat na lang ako posasan na lang ako ng pulis dahil high pala sa droga iyon.

Nag byahe na ako pauwi sa inuupahan kong apartment. Hindi naman siya ganun kalaki pero sakto na pang isa or dalawang tao. Nasa probinsya ang parents ko at ako naman ay naandito sa manila para mag trabaho. Hindi naman kasi ako pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Tapos naman na ako mag aral, pero syempre hindi porket tapos na ng pag-aaral maganda na agad ang makukuhang trabaho. Kaya kahit na graduate na sa college pahirapan parin mag hanap ng maayos na trabaho, yung iba kasi hinahanapan ng experience. Kaya ka nga nag hahanap ng trabaho eh para may experience. Grabe ang qualification.

Tumawag muna ako sa probinsya at kinamusta sila mama. Chikahan lang ng mga nangyari sa araw ko, at kamustahan.

"Kelan mo ba balak bumisita ulit dito?"

"Not sure pa ma, Alam mo naman po kailangan pa mag ipon"

"Hay nako,miss kana namin lalo na si bunso. Lagi ka hinahanap". Napangiti na lang ako, nakuuuu!!! Spoiled kasi saakin si bunso eh.

"Miss ko na rin siya ma, pasabi love siya ni ate. Sige na po ma, maaga pa po ako bukas"

"O siya sige, mag ingat ka diyan ah. Wag abusuhin ang katawan, ikaw lang mag isa diyan at walang mag aalaga sayo"

"Meron sana kaso nag hanap ng panget!".sabi ko, tawa naman ng tawa si mama. Naikwento ko din kasi sa kanya iyong manliligaw ko 'noon' na ngayon eh iba na ang nililigawan kaya ayun palagi ako inaasar ni mama ng malaman niya na ekis na doon sa kine-kwento ko.

Kumain muna ako, I need energy para sa mag hapon na stress ko. Isa akong accounting dahil iyon naman ang tinapos ko, syempre na stress kahit na sabihin natin na iyon daw ang pinaka tamad na trabaho, nahiya naman ako sa mga tambay ah. Minsan lang naman ang stress kapag may nawawala sa mga pinag e-encode ko. Pero madalas easy lang ang trabaho.

it's youWhere stories live. Discover now