It's #5

5 0 0
                                    

Maya's POV

Pagpasok ko mediyo nangapa pa ako sa trabaho pero kahit papaano nagagawa ko naman ng tama dahil na rin sa mga pinapagawa sa akin ng bruhildang si Marites, may idea na ako kahit papaano.

"Ah ma'am? Wala pa po kayong balak mag break?".tanong ng isa sa mga kasama ko? Pagtingin ko sa orasan 2pm na pala pero feeling ko kakarating ko lang din. Ngumiti ako sa kanya.

"Ah sige, salamat at pinaalala mo".sabi ko. Nag inat muna ako at tinitigan ang monitor ko. Tapos na din naman ako. Inayos ko ang mga gamit ko sa tsaka ko chinat si Jenny, sabay ako sa kanya mag break kaso ang Lola hindi pala naka pasok dahil sa may ginawa daw siya. For sure kasama nito yung jowa niya. Lumabas na ako sa office at pumunta sa pantry. Wala naman ako kasama lumabas kaya dito na lang ako sa pantry. Nakasalubong ko pa si Marites na sobrang sama ng tingin sakin. Nginitian ko lang siya ng nakakaloko. Pag inggit, pikit.

Nakakaramdam ako ng gutom kaya rice and chopsuey ang kinuha ko, kumuha na din ako ng calamansi juice tsaka tubig. Tinapos ko na ang pagkain ko. Parang gusto ko na umuwi, tapos ko naman na ang ginagawa ko pero hindi naman pwede umuwi. 5pm pa ang out ko, nag check ako ng oras at 2:35 na ng hapon. Mabilis na lang yan, maya-maya uuwi na din ako. Pagkatapos ko kumain bumalik na ako sa pwesto ko sa office at ginawa na ang mga iba pang gagawin ko. Actually mediyo madali na lang naman ang gagawin ko mag e-encode na lang dahil ginawa ko na yung mga mahihirap kanina, at dahil nag enjoy naman ako sa mga pinag-gagawa ko hindi ko nanaman namalayan ang oras. Out na pala ako kung hindi lang ako sinabihan ulit ng katrabaho ko.

"Hays uuwi nanaman ako at matutulog".minsan na bo-boring na din ako sa everyday routine ko. Parang walang bago, maliban kapag off ko na usually ko din naman ginagawa. Ang mag laba, mag linis ng bahay, exercise. Gusto ko ng bago na gagawin, yung wala sa schedule ko para maiba naman. Bumaba na ako ng building namin at nag abang ng taxi.

Habang nag aabang nagulat na lang ako ng may mag salita sa tabi ko.

"Hay nako! Ang mga pabida nga naman, akala ko sa Jollibee lang merong bida. Dito din pala".napailing na lang ako sa sinabi ni Marites.

"Nakakaawa nga naman sa mga inggitera. Buti na lang naging masipag ako at sa pagiging masipag ko maswerte ako at na promote ako. Yung na promote dahil sa pagtya-tyaga, hindi yung na promote dahil sa pinagpaguran ng ibang tao".sabi ko habang sa daan parin nakatingin. Nagulat ako ng bigla niya akong hatakin sa braso at akmang sasampalin ako.

"Subukan mong padapuin sa pisngi ko iyang madumi mong kamay kung ayaw mong sapakin ko iyang mukha mo!".galit na sabi ko. Abay huwag niya akong idaan sa sampal dahil masasapak ko talaga siya. Binitawan niya ako at galit na umalis. Punyetang to! Siya nag umpisang mag parinig tapos mapipikon sa sinabi ko. Ulul ba siya?

Nakakairita! Okay naman mood ko kanina kahit na madami akong ginagawa, pero dahil sa bwiset na babaita na iyon na wala na ako sa mood. Punyeta! Panget na nga, panget pa ugali.

"Madapa sana siyang punyeta siya!"

Inis na sabi ko. Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko at instant naman na dumapo sa mukha niya ang palad ko. Ay dahil sa nangyari hindi la nag sink in sa akin yung ginawa ko. At nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino iyong maswerteng nasampal ko.

"Sarap ng bungad ah? Palad mo".sabi niya. Ako naman ay nanlalaki parin ang mata dahil sa gulat.

"Oh my God! I'm so sorry Dorille, nagulat ako sorry".sabi ko at hinaplos-haplos ang pisngi niya na nasampal ko.

"Sorry talaga Dorille hindi ko sinasadya, akala ko kasi kung sino eh. Pasensya na talaga".sorry ako ng sorry habang hinahaplos parin ang pisngi niya na sinwerte. Napapailing na lang siya.

it's youWhere stories live. Discover now