Chapter 16

23 4 0
                                    

"Ikaw daw maghugas ng pinggan sabi ni Ma'am.." inis akong lumingon sa kulot at maitim na matabang babaeng kasambahay na nasa gilid ng pinto at inaabot sakin ang sponge.

" Ang kapal nya naman! Edi sya kamo mag hugas kung ganun! Tutal hindi naman ako kumain kagabi eh! Tsaka, bakit ko siya susunduin?"

Tumayo ako mula sa maliit na kama na pinagtiisan ko kagabi bago nag cross arm na lumapit sa mukang pusit na katulong. " Ikaw nalang ang mag hugas! Pag dumating ang sekretarya ko, bibigyan kita ng pera! Kahit magkano pa yan!" muli akong bumalik sa higaan ko at ipinikit ang mga mata. Ano sya? Hilo? Kapal nya naman, kapag nahanap ako ng sekretarya ko, aalis din ako.

"Aba! Magaling! Ang atchay ay natutulog?"

Ngumiti ako bago nag mulat ng mga mata. Kalam lang Cassandra.

"Eh ano naman ngayon? Ako si Cassandra Santiago! Mayaman at mas maganda sayo! Kaya bakit ko hahayaang madumihan ang mga kamay ko? Para lang sundin ang mga utos mo?"

Nanatiling naka kunot ang kaniyang noo at ang paglaki ng kaniyang ilong. Naiinis siya at parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Aba! Hindi n'ya ba talaga ako kayang kilalanin?

"Wala akong pakialam! Ang yaman mo, nakuha lang lahat sa pandaraya ng ama mo! Kaya, bago ka mag malaki, alamin mo naman, kung paano gumagawa ng pera ang ama mo!"

Inirapan k siya at muling umupo sa kama. "Kahit anong paninira mo, hindi ako susunod sa kagaya mo. Ang perang binigay ni Ariel ay sakanya galing at hindi sayo!"

Tumawa siya at tumingin sa isang katulong na mukang pusit! Letse! Sipsip!

" Hello dear! Wake up!" pinitik niya ang sariling daliri bago kinuha ang sponge sa katulong niyang mukang pusit.

"Ayaw mong sumunod? Pwes! Lumayas ka! Tingnan lang natin kung may tatanggap sa ugali mo! Tignan lang natin kung ma'y uuwian ka!" Lumapit siya sa'kin at pinag ang sponge na dala bago kinuha ang kamay ko at sapilitan akong hinila kasama ang ibang mga katulong niya. Wal na akong nagawa kaya kinagat ko na.

"Ahhh!" nabitawan niya ako at tinignan ang kaniyang kamay. Bakat na bakat ang ngipin ko doon na ikinagigil niya lalo sa'kin. Tumingin siya sa lahat ng katulong na agad akong hinigpitan ng hawak. Isa sa kaliwang kamay, isa sa kanan maging sa aking dalawang paa. Hindi ako makagalaw at makagawa ng paraan para maka ligtas sakanila.

Para akong duyan na itinapon nila sa labas ng gate. Letse! Ang sakit !

"Yan ang bagay sayo!"

Tumayo ako at hinawakan ang balakang bago tiningnan ang kabuuan ng katawan. "Letse ka! Ipapa kulong kita!"

Ibinigay ng isang katulong pa niya ang isang bag na pula na kinalikot niya. Nanatili akong hinihintay ang sunod niyang gagawin at bakit hawak niya ang bag nayon. Pero ang walang hiya! Mag lalagay lang pala ng lipstick at blush-on! Pangit mo!

"Yuck! Feeling mo naman gumanda ka?"

Isang maliit na bote ang ibinigay sakan'ya ng isang guard at nag patak niya sa kaniyang dalawang mata.

Ibinigay niya ulit iyon sa guard at hindi kumikibo. Nananatili siyang naka tungo sa langit parang tanga lang?

"Tanga ka ba?" ngumuso lamang siya at bumulong ang isang katulong niya. Ito yata yung pinaka batang katulong.

"Ate!" rinig kong sigaw ni Ariel kaya ibinababa na niya ang ulo at tumakbo kay Ariel.

"Ariel!" ani niya st niyakap ang kapatid. Hinimas ni Ariel ang ulo niya at sinamahan naman niya iyon ng ungot na animoy nag-iiyak.

"Bakit Ate?" kumalas sila pareho sa yakapan at tumingala ang babaeng ito. Kitang kita ko ang pag pahid ni Ariel ng palad niya sa mukha ng ate niyang si Adriana. Umiyak ba siya?

Badass Señorita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon